Kris ililibre si Ryzza Mae Dizon sa USA Disneyland, pero sa isang kundisyon…

Ryzza Mae Dizon at Kris Aquino INQUIRER

 

NAG-PROMISE si Kris Aquino na iti-treat niya nang bonggang-bongga si Ryzza Mae Dizon sa Disneyland sa US at kasama pa ang kanyang nanay.

Ito ay kapag naging super blockbuster hit ang pelikula nilang “My Little Bossings” na isa sa official entry sa 2013 Metro Manila Film Festival sa December. Makakasama nga rito sina Ryzza, Bimby at Vic Sotto with the special participation of Kris as Bimby’s mother sa story.

Sey ni Kris “Pag super hit ang movie natin, pupunta tayo sa America para du’n sa pinakalamaking Disneyland, dun tayo pupunta. Promise ‘yan.”

Ang sagot naman ni Aling Maliit, “Isasama n’yo po ako?”

Tugon ni Tetay, “Yes, pati si Mommy mo.” Sey pa ng Queen of all Media kay Ryzza, napuntahan na raw ni Bimby ang lahat ng Disneyland sa mundo, kaya naman ang nanlalaking matang sey Ryzza, “Ang swerte naman po ni Bimby!”

Marami naman ang natawa sa usapan nina Kris at Ryzza tungkol sa pag-inom niya ng kape noon. Tinanong kasi ng TV host-acress ang child star kung bakit maliit siya sa kanyang tunay na edad at kung umiinom ba siya ng gatas, hindi raw, “Kape po umiinom ako, pero binawalan na po ako.”

Hirit ni Kris, “Three-in-one or Starbucks?”

Sey ni Aling Maliit, “Dati po three-in-one pero ngayon Starbucks. Hindi na po ako nagkaka kape, gatas na po. Dati wala po akong gatas, nagkakape lang ako. Wala po kaming pera. Nangungutang ako sa tindahan ng pisong kape, pisong asukal at pisong gatas tapos tinitimpla ko.”

Read more...