Korina kinakarir ang pagpapabata para abutan pa ang debut nina Pepe at Pilar

MARAMING nakapansing younger looking ngayon ang “Rated K” host na si Korina Sanchez-Roxas kaya marami ang nagtatanong kung ano ang kanyang beauty regimen.

Ayon sa TV host, gusto niyang magpabata, maging healthy para humaba pa ang buhay niya dahil gusto pa niyang maabutan ang debut ng kambal niyang sina Pepe at Pilar.

At para malaman ng lahat at i-share na rin sa viewers ng “Rated K” sa TV5 ay ipinalabas niya sa programa ang paggamit niya ng extracorporeal blood oxygenation and ozonation (EBOO) machine.

Nililinis nito at sina-sanitize (oxygenates at ozonates) ang dugo in less than an hour.

Marami ang nag-react dito dahil base sa research ng netizens ay wala naman daw ganito.

Ayon sa netizen na nakapanood ng programa ni Korina, “If your liver, lungs and kidneys work, you don’t need this (EBOO).”

Kaya nagpaliwanag na si Dr. Joel Lopez na siyang nagsagawa ng EBOO procedure kay Korina. 

Aniya, popularly tested ang medical procedure na ito sa Europe at Amerika at ang mga bansang active sa medical ozone therapy ay ang Russia, Greece, Israel, Japan, Malaysia at Mexico.

Marami raw health benefits ito gaya ng anti-aging, nagpapalakas ng immune system, nagbabawas ng level of acidity sa katawan at iba pa.

Nilinaw din niya na hindi ito basta-basta puwedeng gamitin ng kung sinong may gustong magmukhang bata dahil maraming test procedure ang ginagawa muna, “We don’t just recommend to anyone, we have to screen first.”

Si Korina ay nag-undergo raw ng treatment, “Yes Korina has come to us for a couple of years now. She wanted to try the treatment and since there is no contraindication, we allowed her to experience the treatment.  We do blood testing to make sure that she’s okay.”

Base rin sa tanong namin kung makakatulong ito sa pangontra ng COVID-19, “Yes it helps to boost the immune system,” sabi ni Doc Lopez.

Kilala si Dr. Lopez bilang US-trained Integrative Medicine Physician at Certified Nutrition Specialist at kabilang sa mga patient niya ay sina Steven Seagal, Channing Tatum, at iba pa na ayaw niyang i-disclose.

Maraming local celebrities ang pasyente si Doc Lopez at malalaman daw in the coming months dahil pumayag naman daw ang mga ito na mabanggit sila.

  

Read more...