Bossing Tinawag Na Bastos, Walang Respeto Sa Bata; Pero Ipinagtanggol Ng Dabarkads

Ryzza Mae Dizon at Vic Sotto

Ang dami nang nag-react sa viral video kung saan binugahan ni Bossing Vic Sotto si Ryzza Mae Dizon ng juice in one episode ng Eat Bulaga. Marami ang naimbiyerna sa ginawa ni Vic, kabastusan na raw iyon at hindi na basta patawa lang.

Sey pa ng isang nag-comment, nirerespeto siya ng maraming Filipino dahil napakarami nilang natutulungan sa Eat Bulaga. Pero dahil lang sa isang pagkakamaling ‘yun ay nawala ang paggalang kay Bossing ng ilang dabarkads.

“Sometimes, jokes has its own limits. Kawawa yung bata, hindi siya inilagay jan sa show para bugahan lang ng host. Kung anak ko yan, nasuntok ko sa mukha yang si Vic Sotto. Hirap jan sa Eat Bulaga, puro may attitude mga host. From Wally to Vic, pare parehas kayo,” galit na comment ng isang guy.

But meron din namang kampi kay Vic just like this guy who said, “I really dont see anything wrong about this segment. If it was adlib or in the script. These people are in the BUSINESS of entertaining people a little bit of Juice or Water to the face is nothing.

And if the mother or parent of the child would be offended then GTFO of showbiz.”

“I dont see anything bout what happend… comedy yung segment so they add a twist para mas nakakaaliw… jusko! si bossing pa ba naman???!!and im sure na yung mga nagrereact ng bad comment dito is fan ng showtime…. tsk tsk looooooser tlaga kau,” habol na comment na isa pa.

 

Read more...