MATINDING takot at kaba ang naramdaman ng Kapuso actor na si Derek Ramsay nang tamaan ng COVID-19 ang kanyang mga magulang.
Inamin ng fiancé ni Ellen Adarna na ibang klaseng nerbiyos ang pinaglabanan niya habang naka-confine sa ospital ang kanyang British father na si Derek Ramsay, Sr., at nanay na si Mrs. Medy.
Sa kanyang Instagram account, nagbigay ng update si Derek tungkol sa health condition ng kanyang parents matapos ngang magpositibo sa killer virus.
“Having my mum and dad in (the) hospital fighting covid at the same time is the scariest thing I’ve experienced in my life.
“Thank you lord for keeping them strong and safe. Thank you to doc Carl and to all frontliners at St Luke’s hospital who took good care of my folks,” aniya pa sa caption ng kanyang IG photo.
Kasunod nito, muling nag-post ang aktor sa kanyang social media account at masayang ibinalita na madi-discharge na sa ospital ang mga magulang matapos makipaglaban sa COVID-19.
Ibinahagi pa niya ang screenshot ng naging palitan nila ng text message ng ama kung saan sinabi nga nito na maaari na silang makauwi. Siyempre, parang nabunutan ng tinik at daig pa ang tumama ng jockpot sa lotto ang kaligayahang nararamdaman ngayon ng aktor.
“Mum and dad (are) coming home!! Yippeeeeee,” ang sabi pa ni Derek.
Kung matatandaan, isang appreciation post ang ibinahagi ng Kapuso hunk sa IG para sa kanyang mga magulang kasabay ng pasasalamat sa patuloy na pagmamahal at pagsuporta ng mga ito sa kanya.
Ipinost niya ito noong kasagsagan ng kontrobersyal na paghihiwalay nila ng dating girlfriend na si Andrea Torres.
Talagang kaliwa’t kanang pambabatikos ang inabot niya mula sa haters dahil sa panloloko niya umano sa aktres sa kabila ng mga naginvg pahayag niya na walang third party involved sa kanilang break up.
“Thank you lord for my parents who are always there for me and love me unconditionally. Mum and Dad thank you for everything you have done for me and the family.
“Thank you for keeping me strong, thank you for believing in me and thank you for protecting me. #sticksandstonescanbreakmybonesbutwordswillneverhurtme,” ang mensahe ni Derek.