Habang nasa virtual mediacon kami ay ka-tsika namin sa direct message ang ilang kasamahan namin sa panulat at pinadalhan kami ng larawan ng kilalang aktres na sobrang layo na ng itsura noon at ngayon na nawalan na raw ng katas.
Tinitigan din namin ang kilalang aktres. Oo nga, anyare?
Sabi ng aming katoto, “tingnan mo si (kilalang aktres), bakit ganyan na ang itsura? Wala naman siyang teleserye ngayon di ba, tapos na? Dapat fresh siya kasi pahinga siya. Bakit parang nanunuyot?”
May karelasyon ngayon ang kilalang aktres na aktor at base sa tingin namin ay baka kasi sobrang miss nila ang isa’t isa lalo’t maraming projects ngayon ang binata kaya kapag nagkikita ay wala silang ginawa kundi magkuwentuhan hanggang umaga.
Ang aktor naman ay fresh na fresh at guwapo talaga, ang kilalang aktres ay maganda naman talaga at marami nga ang may gusto sa kanya kaya mapalad ang boyfriend niya ngayon na siya ang napili, ‘yun nga lang parang hindi naalagaan ang dalaga dahil nawalan siya ng ningning.
Parang mas hiyang ng aktor ang aktres kaysa sa huli.
“Bago palang kasi sila kaya sinusulit nila ang bawa’t sandali,” sabi naman ng isa pang katoto.