Kim, binalikan ang buhay-showbiz: Totoo ba talagang nag-artista ako?

SUMIKAT sa mga karakter bilang ‘Tere’ at ‘Nina’, binalikan ng dating aktres na si Kim delos Santos ang buhay sa harap ng kamera.

“It was something that I really want to pursue kahit bata pa lang ako.

“Parang fantasy island ko yan, eh. Parang minsan when I’m here parang ‘Totoo ba talaga to? Totoo ba talaga na nag-artista ako?’,” kwento niya.

Hindi naman maiiwasan na matanong rin siya tungkol sa dating loveteam at ex-husband na si Dino Guevarra.

Matatandaan na taong 2004 noong talikuran ni Kim ang showbiz pagkatapos ng kanilang hiwalayan.

“After naming mag-hiwalay, my manager, she advised me ‘Lumayo ka muna’.

“Si Dino hindi ko pa siya nakakausap but… I was asked one time if I would work with him, I said ‘Yeah’. Before no, eh. Masama pa loob ko.

“We were both young when we got married… We were both kids. I was young, in love, and hindi pa ready sa totoo lang. ‘Yung at that stage where you think you know everything but you don’t know nothing,” kuwento niya.

Bagama’t wala siyang pagsisisi sa kanyang desisyon, hindi pa rin naging madali ang buhay para sa dating aktres.

Dumaan diumano siya sa diskriminasyon na nagdulot sa kanyang depresyon.

“They would call me names regarding my weight. I used to cry. I stepped off the floor. I talked to my boss, crying.”

Sa ngayon, nagtatrabaho si Kim bilang nurse. Nag-aaral rin ito bilang preparasyon na maging opisyal na psychiatric mental health nurse practitioner.

Read more...