Liezel at Kristoffer, hiwalay na!

KINUMPIRMA ni Liezel Lopez sa kanyang Tiktok account na hiwalay na sila ng aktor na si Kristoffer Martin.

Naging maugong ang balitang ito matapos ang parinigan posts ng dalawa sa Twitter.

Pansin rin ng mga netizens, hindi na raw m nagpopost online ang dalawa ng videos o pictures together at deleted na rin ang mga old posts ng mga ito.

Sa isang post ng dalaga sa Tiktok, diretsahang niyang sinagot na hiwalay na nga raw sila.

Isang netizen pa ang nagtanong kung ano ang dahilan ng hiwalayan nila at ang tanging sagot lang nito ay ‘peace of mind’.

Nagbubunyi naman ang mga fans nila Kristoffer Martin at ng dati nitong partner na si AC Banzon dahil sa balitang nagkabalikan na ang dalawa. Tila kasi nasa iisang lugar lang sila batay sa background ng mga pinopost nito online.

Giit pa ng ilan, karma daw ito ni Liezel dahil sa pag-sira niya sa relasyon ng dalawa.

Matatandaan na si Liezel ang itinuturong third party noon sa hiwalayang Kristoffer at AC.

Read more...