Sino ang papalit kay Mayor Isko Moreno sa Maynila?

City of Manila Mayor Isko Moreno. (Manila PIO)

Usap-usapan na lalaban sa mas mataas na posisyon si Manila Mayor Fransisco “Isko Moreno” Domagoso sa May 2022 elections. Hindi pa matiyak kung lalaban siya sa pagka-Presidente o Bise Presidente. May nagsasabing Pacquiao-Isko o Isko-Pacquiao, Isko-Grace Poe at hindi inaalis ang posibilidad din ng Sara-Isko. Siya ay kapable, popular at maraming sumusuportang “big businessmen”,kaya talagang may panalo.  Magkakaalaman lamang ito sa Oktubre o 75 araw mula ngayon.

Pero, sino ang papalit sa kanyang posisyon sa Maynila? Siyempre, pangunahing lalaban ay ang kanyang bise ngayon, Dra. Honey Lacuna-Pangan, anak ni dating Vice Mayor Danny Lacuna.  Nanalo siya ng 57.28% ng mga boto noong 2019 laban kay dating Rep. Amado Bagatsing at lumamang ng higit 127,000 votes. Maganda ang kanyang track record at palaging katuwang ni Isko sa kanyang “impact projects” sa Maynila.  At ang malaking kwestyon, makakayanan na ba ni Vice mayor Honey na lumaban bilang “Alkalde”?

Sa mga political experts , palaging “emosyonal” , “personal” at  “tradisyunal” ang labanan dito sa Maynila . Ika nga, bukod sa pagiging popular, kailangan meron kang mga balwarte sa lahat ng anim na distrito ng lungsod. Noong 2019 elections, 16 sa 36 na nanalong konsehal sa Maynila ang nasa ilalim ng partido Asenso Manileño nina Isko at Honey na ang ibig sabihin ay menorya o kulang sa 50 percent.

Kaya nga,  magiging iba ang sitwasyon sa darating na eleksyon. Ang natitirang  20 councilors na di nila katiket ay maaring pumunta sa ibat ibang kandidato sa pagka-alkalde.

Bagamat, itutulak siya ng husto ni Isko Moreno, nahaharap din si Honey  sa matitinding kalaban na merong mga balwarte at “resources”. Sa aking palagay, ang susunod na halalan sa Lungsod ng Maynila ay posibeng tatl.  Katulad noong 2019, naging dikitan ang resulta ng  labanang Isko Moreno (357K)  , Erap Estrada (210K)  at Alfredo Lim (138K) .

Ngayong 2022, bukod kay incumbent Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan,sasagupain  niya ang nagbabalik na three termer na Alkalde ng Maynila  noong 1998 hanggang  2007 na si incumbent Buhay Party list Rep. at Deputy Speaker Lito Atienza . Ngayon ay panay na ang labas nito sa media upang iparamdam ang kanyang interes.

Susunod na malakas na kalaban din ay ang incumbent two-termer Congressman na si Manny Luis Lopez, anak ni dating Manila Mayor Mel Lopez na ang balwarte ay ang dalawang distrito ng Tondo.

At dito, inaantabayanan ang mga kampihang mangyayari sa mga susunod na araw. Ang tanong, kaninong kandidato mapupunta ang mga kaalyado ni dating Pangulo at Mayor Joseph Estrada sa PMP ?  Kanino kandidato susuporta ang mga kaalyado ni yumaong dating Manila Mayor Alfredo Lim sa PDP-Laban, Liberal party?

Kung si Isko Moreno ang kakandidatong Mayor muli, hindi siya matatalo. Bukod dito, ang mga sinasabi kong kakampi ni Estrada at Lim ay tiyak na pupunta sa kanya. Pero, ang kaso, hindi siya kandidato kundi si Vice Mayor Honey Lacuna. Ang tanong, makukumbinsi ba ni Isko  ang mga dating kalaban,  na suportahan si Lacuna ? Tingnan natin.

Ngayon pa lamang,meron nang nabuong mga alyansa ng mga puitiko. Isa na rito ay ang pagsasanib ng pwersa nina Rep. Manny Lopez at  si dating Rep. Amado Bagatsing ng Kabaka.  Ito’y pagsasanib  ng  mga balwarte sa 1st at 2nd district ng Tondo gayundin ng 5th at 4th distict ng Sampaloc at Ermita.

At sinong kandidato naman ang bebendisyunan ni dating Mayor Erap Estrada para sauportahan ng kanyang mga kapanalig sa Maynila? Tandaan natin na merong 11 kapartido si Erap na nanalo sa pagka-konsehal  at isang kongresista ng 4th district na walang iba kundi si Rep. Edward Maceda. May ugong na kakampi rin ito kay Rep. Lopez.

Marami pang mangyayari, pero ang pinal ay malalaman sa isusumiteng “certificates of candidacy” sa Oktubre.  Honey Lacuna vs. Lito Atienza vs. Manny Lopez sa Maynila.

Read more...