Ex ni Scottie Thompson na si Pau Fajardo, papasukin na ba ang showbiz?

USAP-USAPAN ngayon ang ex-fiancée ng Ginebra San Miguel player Scottie Thompson na si Pau Fajardo matapos kumalat ang isang post ng fan made account ng dalaga sa social media.

Ang post na ito ay larawan ni Pau kasama ang talent manager na si Alvin Torno at ang bossing ng Viva Entertainment na si Vic del Rosario.

Maraming ispekulasyon ang kumalat dahil dito na tila ba papasukin ng dalaga ang showbiz.

Mas lalo namang tumindi ang hinala ng mga netizens dahil sa IG post ni Alvin Torno kung saan naka-tag si Pau Fajardo. Tinawag pa nga niya ito bilang bagong alaga at anak.

“Basta remember that everything in life has a purpose. God uses events (in) our lives whether good or bad to transform us. Choice natin whether we want to be miserable or to learn from all the trials we experience. Deadma na sa mga taong nanggugulo sa buhay mo. Choose the right path. Blessing will come at God’s perfect time not based on our own timing. Basta be teachable and be ready to learn something new. Remain humble because God raises people who are humble.”

Matatandaan na naging matunog ang pangalan ng dalaga kamakailan nang kumalat sa social media ang sikretong pagpapakasal ng dating longtime boyfriend nito sa ibang babae.

Naging mag-dyowa ang dalawa ng walong taon at na-engage noong January kaya shook ang madlang pipol sa biglang twist ng kanilang love story.

Sa ngayon, tahimik ang dalaga at ini-enjoy ang kanyang bakasyon sa Bohol kasama ang kaibigan.

Read more...