PUMANAW na ang first official animal frontliner na si Chichi.
Ito ang malungkot na balitang inanunsyo ng Manila Public Information Office (PIO) sa kanilang Facebook page.
Ang kanyang labi ay inilibing na sa Manila North Cemetery.
Noong nakaraang taon, naging trending si Chichi nang tanghalin ito bilang kauna-unahan animal frontliner ng Brgy 329, Maynila.
Sa katunayan, binigyan rin ito ng sarili nitong ID na may lagda ng barangay chairwoman na si Ruby Viasanta bilang opisyal na pagkilala sakanya bilang frontliner.
Si Chichi ay isang stray dog na kinupkop ng isang kagawad na si Jeanne Ramos at nagsilbi bilang frontliner at katuwang ng barangay sa kasagsagan ng pandemya.
MOST READ
LATEST STORIES