Hello! Buntis? Sa tingin n’yo papatulan ako ni Kuya Wil? – Hipon Girl

NAGSALITA na rin si Harlene Budol o mas kilala bilang si “Hipon Girl” tungkol sa chikang nabuntis daw siya ni Willie Revillame.

Ayon sa dating co-host ng “Wowowin”, isang malaking fake news ang kumalat na balita na nagdadalang-tao siya ngayon at si Willie nga ang itinuturong tatay.

Sa isang panayam sa TV host-comedienne, mariin niyang pinabulaanan ang tsismis at ipinakita pa ang flat na flat niyang tiyan bilang patunay na walang baby sa kanyang tummy.

“Hello? Buntis? Sa tingin niyo papatulan ako ni Kuya Wil?” ang hirit ng dalaga sabay paalala sa publiko na huwag basta-basta maniniwala sa mga lumalabas na pekeng balita sa social media.

Bago ito, nag-post din nitong nagdaang Martes si Hipon Girl sa Instagram ng kanyang litrato na nakasuot ng pink bikini. Aniya sa caption, “Buntis daw ako.” 

Sa isa namang episode ng “Wowowin Tutok to Win” mariin ding pinabulaanan ni Willie na nabuntis niya si Herlene at ipinagdiinang isa itong “fake news.”

“Natsitsismis ho nagkaanak daw ako kay Hipon at buntis daw. Hindi totoo ‘yan. Puro fake news ang ginagawa niyo.

“Pati kay Kris Aquino. Mahiya naman kayo. Huwag kayong maniniwala dyan. Pati mga taong nanahimik,” aniya pa.

“Kaya raw nawala si Hipon nabuntis ko. Ano magiging anak namin…hipon?” birong pahayag pa ng TV host.

Nabanggit din ng TV host na pinag-iisipan niyang ireklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga taong nagpakalat ng malisyoso at pekeng balita.

Read more...