HINDI matanggihan ng veteran director at kilalang star builder na sI Johnny Manahan ang napakabonggang offer sa kanya ng GMA 7.
Maraming naiisip na plano ang dating head ng ABS-CBN Star Magic para sa mga promising talents ng Kapuso Network pati na rin sa mga upcoming programs ng GMA, bilang bago ngang consultant ng GMA Artist Center.
Ayon kay kay Mr. M, halos anim na buwan din siyang nagpahinga sa entertainment industry pagkatapos idirek ang isang musical-variety show sa TV5.
Kaya naman feeling recharged na naman siya para sa mga bagong challenges na haharapin niya sa pagpasok sa GMA 7.
Sa ginanap na virtual mediacon para sa pagiging Kapuso ni Mr. M, inamin niyang naisipan na rin niyang mag-retire, “Yes, there was a time I really thought I would just leave it all behind and just become a grandfather, play with my apos.
“But after a while, parang, you need to do something. Hindi ako mapakali pag wala akong ginagawa,” sabi pa ng beteranong direktor.
“I guess, I missed it. I really miss the business, so here I am again—refreshed after a rest. Let’s see what I can do. Sabi ko nga parang nabuhay ako uli,” aniya pa.
Kuwento pa ni Mr. M, kasagsagan daw noon ng pandemya nang may mga kaibigan siya sa Kapuso network na nagtanong kung nais niyang subukan sa GMA, “Sabi ko, ‘Sige, let’s talk. I think mahirap tanggihan yung offer nila.
“Maganda yung offer, nilatag nila yung mga gagawin ko, yung gusto nilang mangyari. Natuwa naman ako sa mga plano. So, that was an easy thing to do,” pahayag pa niya.
Samantala, bilang consultant ng GMA Artist Center kasama sa trabaho niya ang pagdedesisyon kung sinu-sino sa mga Kapuso stars ang babagay at dapat gawing bida sa isang teleserye.
“I think that’s part of my mandate. Because I asked them what I can do. Ayun ang sabi nila. Pwede ako dun makisawsaw, kumbaga, kung sino pwede ilagay sa iba’t ibang teleserye.
“To ask me that, I appreciate that. I really appreciate that coming from GMA,” aniya pa.
Dagdag pa niyang sabi, “Yes. They have a very good system na. Ganda ng latag ng sistema nila. I just want to see if that really works once it’s put into action. They gave me a wide scope.
“Si Attorney (Felipe) Gozon nga, baka yung isang show, baka meron daw akong inputs, meron akong suggestions. “Sabi ko sa kanya, ‘Sure, Atty. Gozon, I will only be so happy to help out,'” sey ni Mr. M.
Pagpapatuloy pa niya, “What we’re doing is we’re looking at their setup of artists. See if anything can be improved in the operation of the Artist Center.
“But overall, I suppose, what they want to do is develop a new breed of GMA artists, a new breed of ambassadors of GMA. Yun ang main goal,” aniya pa.
Kasunod nito, ipinagdiinan din ni Mr. M na wala siyang balak makipagkumpetensiya sa mga executives ng GMA, “Meron kaming naisama dito sa organization ng GMA na galing sa dating organization.
“So far, two people from the other side, they were able to bring them to help us. Nagustuhan naman nu’ng mga executives itong mga tao na ito. Because we told them, ‘We’re not here to replace anybody. Consultants lang kami.’
“But if they can bring a couple of people to make the system smoother, kasi mga experienced na itong mga taong ito. So, sumang-ayon naman sila. They’re very friendly, actually,” lahad pa ng kilalang star builder.