IBINAHAGI ng Kapuso actress na si Heart Evangelista sa publiko kung ano ang itinuturing niyang “worst experience” sa kanyang buhay.
Nagkaroon muli ang tinaguriang Queen of Creative Collaborations ng Q&A session sa kanyang Instagram account kung saan inisa-isa niya ang ilan sa mga hindi niya malilimutang eksena sa buhay niya mula noon hanggang ngayon.
Dito nga nabanggit ni Heart sa mga followers niya sa IG ang tungkol sa “worst day ever” sa kanyang life.
Ipinost ng Kapamilya star ang isang litrato kung saan makikita siyang nakahiga sa hospital bed habang nakaupo sa tabi niya ang asawang si Sorsogon Gov. Chiz Escudero.
Nakasulat dito ang mga katagang, “My great husband @escuderochiz. Worst day of my life. Lost my twins… now I have angels. Just saw this pic.”
Taong 2018 nang ibalita ni Heart na buntis siya sa anak nila ni Chiiz ngunit ilang linggo lamang ang nakalipas ay ibinahagi nga niya sa publiko ang malungot na balita — na wala na ang kambal sa kanyang sinapupunan matapos makunan.
Ipinost din niya ang tungkol dito sa kanyang Instagram account, “There are not enough words to express how heavy my heart feels but I know it’s important to share this because it’s part of my motherhood journey.
“At this week’s Doctor appointment, just as we hit the 3 month mark, we found out that her heart stopped beating,” aniya.
Sa isa pa niyang post, sinabi ng aktres na never niyang kinuwestiyon ang Diyos sa mga nangyari sa kanya, “It’s not the end, just another chapter. I take comfort knowing that you’re up there with your twin.
“I don’t question God about this sad time, I trust in His timing and plan. I hope you all understand that I’ll be taking some time off but your support and kind words will be felt, even if I’m not able to reply.
“I’m not looking for answers, just peace. For what it’s worth, I already had a name for you.
“My Mira, funnily enough, I already loved your smile. I know you’ll find your way back to me,” emosyonal pa niyang pahayag. Mira sana ang ipapangalan niya sa kanyang magiging anak.