Kiray nakipagsagutan kay Senyora: Wala ka na ngang d*d*, waka ka pang pwet! Kaya mo pa ba?

NAKAKALOKA ang “tarayan” ng Kapuso comedienne na si Kiray Celis at ng sikat na social media user na si Senyora (Santibañez).

Aliw na aliw ang mga netizens sa batuhan nila ng punchline na nagsimula lamang sa pagpo-post ni Kiray ng kanyang sexy bikini photo sa Instagram.

Tinag kasi ng komedyana at vlogger ang kilala sa matataray at pang-asar na hugot post na si Senyora Santibañez sa kanyang bikini photo sa IG at Facebook.

Sabi ni Kiray sa caption, “Ang tsismis ay ginagawa ng mga taong galit sayo, kinakalat ng mga loko-loko at pinaniniwalaan ng mga taong makikitid ang ulo.”

Sinagot naman ito ni Senyora ng, “Mabablock na kita.”

Kasunod nito, ipinost din ng kilalang social media personality ang bikini photo ni Kiray sa FB kung saan makikita nga ang kanyang pangalan na naka-tag dito at nakasulat pa mismo sa puwitan ng komedyana.

Hirit ni Senyora, “Ako talaga ba talaga di mo titigilan Kiray sa pananabotahe? Namumuro ka na sakin.”

Ang nakakawindang na sagot sa kanya ni Kiray, “WALA KA NA NGANG DEDE, WALA KA PANG PWET? ANO NALANG SENYORA? KAYA MO PABA???”

“Kiray WALA KANG GANDA,” ang bwelta naman ni Senyora Santibañez.

Hindi pa rin nagpatalbog si Kiray at bumanat ng, “Senyora PATINGIN NGA DIN NG GANDA MO? WALANG FILTER SAKA WALANG DIET DALI! NGAYON MOKO LABANAN NG PATAS HAHAHAHA!”

Kung matatandaan, noong mag-celebrate ng 24th birthday si Kiray ay binati siya ni Senyora at tinawag pa siya nitong “new BFF”.

Sa mga hindi pa masyadong aware kay Senyora Santibañez, ito ang parody account ng isa sa mga kilalang karakter sa hit Mexican telenovela na “Marimar” na pinagbidahan ni Thalia.

Ni-remake ito ng GMA 7 ng dalawang beses na pinagbidahan nina Marian Rivera at Megan Young.

Read more...