AMINADO si Toni Gonzaga na natatakot at nag-aalala siya noon na baka pasukin din ng anak niyang si Seve ang mundo ng showbiz kapag nagkaisip na ito at marunong nang magdesisyon para sa sarili.
Aniya, parang hindi pa raw handa ang isip at kalooban niya kapag dumating yung araw na sabihin sa kanya ng anak na nais din nitong sundan ang yapak ng kanyang mga magulang.
Ngunit na-realize raw ng TV host-actress na bilang magulang ang tanging magagawa lamang nila ni Direk Paul Soriano ay gabayan at suportahan ang anak kung anuman ang mga nais nitong gawin sa buhay.
“That’s what our parents did for us. So I am not here to tell him what not to do. I am here to love him and support him. I can’t tell him, ‘Don’t do this or that.’ He can be whatever he wants to be in this world.
“Right now, he wants to be a car racer. Last year, he wants to be a pilot. Nu’ng pandemic, gusto yata niya maging stunt man kasi talon siya ng talon sa kung saan-saan. Support lang ako,” pahayag ni Toni sa isa niyang vlog.
Pagpapatuloy pa niya, “The moment you tell them na don’t do this, doon pa sila mag-iisip na, ‘Now I am tempted to do that. Why is my mom telling me I shouldn’t do that? Now I want to do that all the more.’”
Ayon pa kay Toni, hindi siya nag-aalala na baka lumaking “feeling entitled” o mayabang ang anak dahil, “Hindi niya alam if he’s famous. We don’t let him know that your mom is an actress and a host and your dad is a director. He just knows that we have our jobs.
“Somehow meron na siyang konting concept na napapanood niya ako sa TV pero wala pa ‘yung full concept na, ‘This is what I want to do in life’ or ‘I want to be like my mom.’
“More than focusing on the fame, that’s fleeting, that’s superficial, we are really after his character, his values and the principles that he will grow up with.
“Because you have to train a child in the way that he should go so that when he is old, he will not depart from it. I learned that from experience,” lahad pa ni Toni.
Mula nang isilang ni Toni si Seve naging laman na rin ng social media ang bagets lalo na sa mga vlog ng kanyang tita Alex Gonzaga. At sa edad na apat, nakagawa na rin siya ng ilang TV commercial at iba pang endorsement deals.