Zaijian nabigyan na ng house & lot at sasakyan ang pamilya; Amy may warning sa mga motorista

NAGBIGAY ng advice ang “It’s Showtime” host na si Amy Perez sa mga motorista. 

Sa kanyang Instagram account, ipinaalala ni Amy na hindi dapat ginagamit ang hazard lights especially during rainy days.

“Don’t use hazard lights. Turn on the headlight instead/flashing your hazard lights during heavy rains prevents you from using your turning signals when switching lanes.”

‘Yan ang message ng MMDA na ipinost ni Amy sa kanyang IG account recently.

“Been driving since I was 19yrs old and every time sobrang lakas ng ulan I see a lot of motorists na ginagawa ito, not safe talaga!

“It’s time to correct this common mistake. Stay safe y’all,” say niya.

Marami naman ang nag-agree sa TV host at aktres.

“True, kaya kapag sakay ko mga anak ko nung maliit pa sila tumatabi ako, gilid kc colorblind ako naduduling ako baka madisgrasya kami.”

“Yes. Nakakainis yung mga ganyan. Halatang hindi dumaan ng driving school kaya walang alam sa defensive driving.”

“In the states if going less the 40 MPH on a snowy day or rainy day you should turn your 4ways on.”

“Tama! Pwede naman i-on ang regular lights. Ingat sa pagda-drive.”

* * *

Makapamilya itong si Zaijian Jaranilla.

Until now kasi ay iniisip pa rin niya ang kapakanan ng kanyang pamilya kahit na nabigyan na niya ang mga ito ng bahay at lupa pati na rin kotse. 

“‘Yung dream ko para sa pamilya ko ay patuloy pa rin hanggang ngayon. Gusto ko pa ring ibigay sa kanila ang mga gusto kong ibigay na pangangailangan nila.  

“Tapos ‘yung mga kapatid ko, gusto ko rin silang bigyan ng magandang buhay. Pinapag-aral ko pa rin sila hanggang ngayon,” chika ni Zaijian sa presscon ng “Maalaala Mo Kaya” kung saan bumida siya sa episode ng “Dialysis Machine” bilang si Andy Dayto, isang nurse na hinamon ng tadhana nang magkaroon ng kidney disease ang kanyang ina at ang kanyang sister. Napanood ang two-part episode na ito last July 3 and 10. 

Nagpapasalamat si Zaijian na kahit walang franchise ang ABS-CBN ay hindi siya nito nakakalimutang bigyang ng project. 

“I’m so happy na kahit ngayong pandemic ay binibigyan pa rin ako ng ABS ng project.  ‘Yun po naman talaga ang dream ko, i-showcase ang talent ko and umarte,” say niya.

“Sobrang happy ako kasi kahit paano, kahit hindi ni-renew ‘yung franchise ng ABS ay nakaka-survive pa rin tayo. Nakakagawa pa rin tayo ng teleserye na magaganda para maka-inspire at i-present sa mga tao sa kabila ng lahat,” dagdag pa niya.

Isa si Zaijian na lumaki na sa bakuran ng ABS-CBN at sobrang loyal niya sa network.

Read more...