MARAMING Kapamilya stars ang umalis na sa ABS-CBN dahil sa pagkawala ng prangkisa nito kaya hindi na rin sila mabigyan ng trabaho.
Marami rin naman ang piniling manatili sa Kapamilya network kahit pa matagal na silang nakatengga sa paghihintay na mabigyan uli ng proyekto.
Bukod kina Angel Locsin, Zaijian Jaranilla, Charlie Dizon at Nikki Valdez na nagpahayag na mananatili sila sa ABS-CBN dahil iisang pamilya sila ay naglabas din ng saloobin ang direktorang si Mae Cruz-Alviar na in-house director ng Star Cinema.
Aniya, “This is not just a job, this is not just a company that you worked for. This is a family and you are there for your family and I am here for my family and I am still here for my family and I will still be here for my family.”
At base naman sa TV Production head at Star Magic head na si direk Laurenti Dyogi ay masakit para sa kanya na umalis ang ibang homegrown talents.
“Okay sana kung maayos ‘yung separation, ‘yun naman lagi ‘yung ating sinasabi na maliit ang ating industriya (showbiz).
“Let’s not burn bridges, we maybe down now but bilog ang mundo. The best way talaga is have a healthy communication, you know respect for each other,” punto ni direk Lauren.
Nabanggit din ng TV executive na tuloy ang pagpapalakas nila sa digital platforms at dahil sa shutdown ay nakita ng network ang bagong ABS-CBN na malakas sila sa digital tulad ng mga online concerts at trending na digital serye.
Sabi pa ni direk Lauren, “We’re very strong on digital, we’re partnering with a lot of platforms from Netflix, to Viu, to IFlix.
“Now let’s go global, let’s go beyond where we are because there are a lot of Filipinos out there, outside the Philippines, there are a lot of other audiences that we can attract so lawakan natin ‘yung mundo natin,” aniya pa.
At kanina sa “ASAP” ay ginanap ang isang pasasalamat sa bawa’t Kapamilyang nanalangin, nakipaglaban at hindi bumitaw sa gitna ng matinding dagok sa Kapamilya network.