Willie nagbigay ng P5.2-M sa naulilang pamilya ng mga namatay na sundalo sa Patikul, Sulu

NAGLAAN ng P5.2 million ang “Wowowin” host na si Willie Revillame bilang tulong para sa naulila ng mga biktima ng bumagsak na C-130 sa Patikul, Sulu isang linggo na ang nakararaan.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana, umabot na sa 49 ang nasawi sa bumagsak na C-

Tinawagan naman ni Willie si Maj. Gen. Edgard Arevalo, ang tagapagsalita ng AFP para makipag-ugnayan hinggil sa pagbibigay niya ng tulong-pinansyal.

“Siya rin po ‘yung nakausap natin noon sa Marawi siege,” sambit ng TV host.

Live na nakausap ni Willie ang opisyal ng AFP sa “Wowowin Tutok to Win” nitong nagdaang Biyernes.

“Kumusta po ‘yung mga pamilya ng mga naulila?” tanong kaagad ni Willie.

“Alam n’yo po kuya Will, nagluluksa po ang buong sandatahan ng Pilipinas, ‘yung mga bandila po natin naka-half mask bilang pakikiisa sa mga mga pamilya sa mga pumanaw nating kasamahan.

“Sa ngayon po ang mga pamilya na namatayan ay binibigyan po natin ng lahat ng tulong na ating magagawa para sa kanila ganu’n din po ‘yung mga benepisyo ng ating mga namatay na kasamahan na itinuturing nating mga bayani. 

“They died in line of duty ay ating pino-proseso ‘yung mga tatanggapin nilang benepisyo,” pahayag ni Maj. Gen. Arevalo.

Ang mga benepisyo ay manggagaling sa kanya-kanyang branch of service at ang pinakamababang matatanggap ay P29,000 kapag isang taon palang sa serbisyo o may ranggo na private plus hazardous pay na P14,500 o kalahati ng base pay dahil nga na-assign sila sa Sulu. 

Bawa’t isa ay may funeral services na abot sa P80,000 at galing sa opisina ni Pangulong Rodrigo Duterte na aabot sa P500,000 kasama na ang tulong sa health at tirahan at monthly pension bilang mga sundalong namatay sa laban depende sa kanilang mga ranggo at panahon ng kanilang serbisyo.

Sa mga nasugatan na umabot na ang bilang sa 47 ay ire-reimburse ang lahat ng gastos nila sa hospital na hindi dinala sa military hospital at financial assistance ni Pangulong Duterte na abot sa P150k kapag major injury at P100k sa minor injury.

Sumatutal, unabot nga sa 49 ang  namatay at 47 ang nasugatan na pawang miyembro ng military at may tatlong sibilyan naman ang nadamay sa aksidente.

Nagpahayag ng pagkalungkot ang “Wowowin” host na lagi na lang may mga ganitong nangyayari at nagbubuwis ng buhay.

“Maglalaan po ako sa lahat kasama na ‘yung tatlobg sibilyan ng tig-P100,000 pesos sa bawa’t pamilyang naulila.  Ito po ay galing sa aking bulsa, personal ko po ito. Aabutin po tayo ng P5.2 milyon ‘no?

“So, nasa 5.2 milyon po ang ipagkakaloob ko, personal po ito at ipagkakaloob kop o ito sa inyo (Maj. General Arevalo) at kayo nap o ang bahalang (ipamahagi). Bigay ko po ‘yan para sa ating mga kababayan na una sa lahat sa ating mga dakilang sundalo na nagbigay ng puso para sa bayan,” pahayag ni Willie.

Pinasalamatan naman nang husto ni Maj. Gen. Arevalo ang TV host sa pagtulong nito dahil malaking halaga ito para sa pamilya ng mga biktima.

Samantala, abangan ngayong linggo ang anunsyo ni Willie kung ano ang resulta ng pag-uusap nila ni Presidente Duterte sa kahilingan nitong tumakbo siya sa Eleksyon 2022.

Read more...