“NAGGER” kung ilarawan ng aming source ang misis ng aktor, wala raw ginawa ang mag-asawa kundi mag-away nang mag-away lalo na sa tuwing darating ang huli galing sa taping at shooting.
“Siyempre pagod na pagod si ____ (aktor) tapos ang maririnig mo dakdak na bakit late na umuwi o kung anu-ano. Imbes na tanungin kung kumain na o ipaghanda ng gamit kasi galing sa labas at maliligo bago matulog.
“Kaya si _____ (aktor) nakukulili na ang tenga pero never niyang sinaktan nang pisikal si misis. Sigawan sila e, siyempre, pagod tapos aawayin ka, e, hindi ka ba namang maha-high blood no’n?” kuwento ng aming source.
Matagal naging magdyowa ang dalawa bago sila nagpakasal at kainitan ng karera ng aktor iyon kaya nu’ng nag-asawa siya, nag-lie low siya sa career niya at buti nakabalik ulit kasi nabigyan ng magandang projects sa kilalang TV network hanggang sa sunud-sunod na.
Hindi namin maintindihan sa asawa ng aktor kung bakit hindi niya ma-gets ‘yung nature ng asawa niya, e, lumaki naman siya sa showbiz dahil artista ang magulang niya.
“Saka paulit-ulit siya ng sisi kay ____ (aktor), e, ‘yung mga bintang naman niya nangyari noong mga dalaga’t binata pa sila,” sabi pa ng aming source.
Kaya payo ng mga kaibigan ni aktor pati na ng tatay niya ay magpahinga muna silang dalawa kasi pareho silang mainit at pagod lalo na sa part ni aktor.
Pero kung hindi magbabago ng ugali ang asawa ng aktor posibleng tuluyan na nga silang maghiwalay at baka maging forever na iyon.
* * *
Ang strategic partnership sa pagitan ng Star Music, Polaris, at ng A Team, na minamanage ng multi-awarded singer-songwriter Ogie Alcasid, ay naging posible para sa mga inaabangan na performers at hosts sa bakuran ng Star Magic.
Ang pinakamalaking talent management agency sa bansa ay patuloy ang paghahatid ng mga pinakamahusay sa industriya sa pamamagitan ng Star Magic Black Pen Day event noong June 19.
Sa patuloy nilang paghahanap ng mga bago, unique at most promising singers, tampok ang bagong singers ng Star Music na sina Sab at Recio.
Hindi pa rin makapaniwala si Sab na ang kanyang audition para sa Star Music noong siya ay 15 years old ang magiging daan para maging Star Magic newbie. Bukod sa pagkanta at pagtugtog ng ukulele, isa rin siyang song writer.
Siya ay nag-release ng tatlong singles noong July 2020 sa ilalim ng Star Music at humakot ng mga maraming views sa kanyang pag-cover ng mga hit songs, kabilang na ang theme song ng “He’s Into Her”.
Ngunit, isa sa kanyang biggest milestone ngayon ay nafeature ang kanyang original na kanta na “She” sa award-winning K-Drama na “Flower of Evil”.
Bago iyon, ginamit ang kanyang kanta sa BL series na “Hello Stranger”. Marami man siyang gustong makatrabaho, ibinahagi ni Sab na karamihan ay singer-songwriters tulad nina Jayda at Kyle Echarri, at iba pa.
Para naman sa singer-songwriter na si Recio, ang pagiging parte ng Star Magic at Star Music ay parehong humbling at inspiring experience.
Inaasahan niya na makakuha ng maraming opportunities at mahasa ang kanyang kakayahan ng mga mahuhusay sa industriya.
Umaasa ang baguhang singer na maging inspirasyon ang kanyang kanta at makapaghatid ng mensahe sa malaking audience mula ngayon.
Lumaking mahiyain si Recio kaya binabahagi niya ang pagsusulat ng kanyang kanta sa kanyang mga close friends para maexpress niya ang kanyang sarili.
Ngayon na siya ay confident at handa na sa kanyang live performances kapag tapos na ang pandemya. In the future, umaasa ang Psychology student na ang kanyang kanta ay maging bahagi ng coming-of-age film.
Sa pamumuno ng batikang performer-songwriter Ogie Alcasid, ang A-Team talents ay bahagi na rin ng Star Magic. Aabangan ang mas maraming malalaking produksyon, creative music at different kinds of genre na mapapanood soon.
Isang eksklusibong feature para sa mga bagong Star Magic Kapamilya ang makikita sa Metro.style. Abangan ang Star Magic Black Pen Day sa July 18, 9:30 p.m. sa A2Z at Kapamilya Channel.