Netizens kinilig sa namumuong love triangle sa ‘Ang Probinsyano’

Isang namumuong love triangle ang nagpakilig sa mga tagasubaybay ng teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Sa huling episode nito ay nakita ang unti-unting pagkakalapit ni Audrey (Aya Fernandez) kay Cardo (Coco Martin). At inamin mismo ni Aya sa kapatid na si Lia (Jane De Leon) na nakakaramdam siya ng matinding paghanga kay Cardo dahil sa kabutihang loob nito at pagmamahal sa pamilya.

Ramdam ang pagseselos ni Lia.

At dahil dito ay kinilig ang mga netizens na may kanya-kanyang opinyon sa bagong twist ng teleserye.

Para kay Yonasleah Lataban, “Cardo, please lang kay Dra. Audrey ka na. Kung iibig ka rin lang ulit para maiba naman flow ng buhay pag ibig mo.”

Sabi naman ni Jun Sanc, “Ang galing maglahad ng nararamdaman si Audrey, habang ang kapatid niyang si Lia ramdam ang sobrang selos. Sinuman sa kanila ay pwede kay Cardo. Kailangan isa sa kanila magparaya.”

“’Yung galaw ng mga mata ni Lia selos ang sinasabi. Same sa galaw ng mga labi niya,” ani Kwank Seo, habang sabi naman ni AJ Pantasan, “Nakakakilig pagmasdan ang pagseselos ni Capt. Lia.”

Tila lumalambot na rin ang puso ni Cardo dahil pinayagan na niya ang magkapatid na bumalik sa trabaho – si Audrey sa ospital at si Lia naman sa Black Ops. Ito ay matapos magkasundo sina Lia at Cardo na titigil muna ang Task Force Agila sa pagtugis ng mga kasamahan ni Lia hangga’t nasa pamamahay niya sila.

Pero ang hindi naman alam ni Lia, magpapanggap lamang si Cardo na susundin niya ang pangako niya dahil buo pa rin ang plano niyang hulihin ang Black Ops at maghiganti sa kanila.

Read more...