Lahing oldmaid

Sulat mula kay Levin ng Barangay Baras, Tacurong City Dear Sir Greenfield, Nakapagtapos din naman ako ng kurso sa kolehiyo kahit hindi naman ito kataasan.  Nag-resign ako sa call center kasi hindi ko kaya ang pagpupuyat. Nag-apply ako sa isang private company sa Davao City.  Matatanggap kaya ako? Bukod doon, nag-apply din ako sa iba pang kompanya.  Saan kaya ako matatangap at kailan? Itatanong ko rin kung makapaga-abroad ako? Malapit na akong maging 25-anyos at ayaw ko pang mag-boyfriend. Ang sabi ng nanay ko, nag-aalala siya baka raw ako tumandang dalaga kasi may lahi kaming tumatanda nang solo sa buhay.  Itatanong ko na rin po kung magkaka-boyfriend ako at makapag-aasawa at kung kailan? Umaasa, Levin ng Barangay Baras, Tacurong City Solusyon/Analysis: Palmistry: Meron ka namang malinaw na Marriage Line (arrow 1.) at magandang Heart Line (arrow 2-2 2) sa palad. Ibig sabihin siguradong magkaka-boyfriend ka hanggang sa tuluyang makapag-aasawa ka. Samantala ang magandang Heart Line naman ang nagsasabing kapag nakapag-asawa ka na, ang itatayo ninyong pamilya ay sigurado ring magiging maligaya. Cartomancy: Five of Clubs, Ace of Clubs, at Eight of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing bukod sa pag-aasawa, sa kasalukuyan mong career, uunlad at makapaglalakbay ka. Itutuloy

Read more...