Charlie gaganap bilang babaeng may ‘XP’: Bawal siyang maarawan dahil pwede niyang ikamatay

ISANG nakamamatay na health condition ang tatalakayin sa bagong iWantTFC Original Series na “My Sunset Girl” na pagbibidahan ng 4th EDDYS Best Actress na si Charlie Dizon.

Siya ang gaganap sa karakter ni Ciara, na mula nang ipanganak ay hindi na nakalabas ng bahay dahil nga sa kanyang kundisyon hanggang sa may makilala siya online na magpapabago sa takbo ng kanyang buhay.

“Ako si My Sunset Girl, 18 years old siya na buong buhay niya hindi siya nakalabas ng bahay kasi meron siyang condition na Xeroderma pigmentosum wherein bawal siyang maarawan dahil puwede niya ikamatay. 

“Kapag naarawan siya maaapektuhan yung immune system niya and puwede niya ikamatay. 

“So all her life nasa bahay lang siya kasama ang parents niya, si manang at ang kababata niyang si Rica May until nakilala niya si Lucas sa social media and nag-iba yung buhay niya. So du’n magsisimula yung story,” kuwento ni Charlie sa virtual mediacon ng “My Sunset Girl” kamakalawa.
 
Excited na ang dalaga sa project na ito dahil ibang-iba naman ang ipakikita niya sa madlang pipol, “Siguro yun yung beauty ng pagiging actor kasi you get to play a role na hindi ikaw talaga. 

“And ang dami namang ways para pagkuhanan din yun like through your friends or pag pinag-aralan mo yung character di ba?

“And yun yung pinakana-eenjoy ko, yung nagpe-play ako ng character na malayo sa personal kong buhay. Kaya playing that role talagang niramdam ko yung character ko talaga, yung given circumstances and inaral ko yung script, kung bakit ganun yung mga nararamdaman ni Ciara,” chika pa ni Charlie.

Kumusta naman ang muli nilang pagsasama ni Jameson Blake sa nasabing project? “Sa Four Sisters Before the Wedding and nag-MMK din kami na Valentine’s episode. For me kasi kada bagong project, ibang experience din so may mga adjustments pa rin kahit matagal na kaming magkasama. 

“Dahil sobrang kumportable na namin ni Jameson din, sobrang madali na yung trabaho. Ang nagustuhan ko lang kay Jameson, willing na willing din siya magbigay kapag halimbawa every night nag-i-script reading kami. 

“Kumbaga pina-practice din namin yung gagawin namin kahit papano kung anong atake gagawin namin. Kaya yun yung reason why grateful ako with my partnership with Jameson,” lahad pa niya.

Natanong din ang award-winning actress kung anu-ano ang favorite scenes niya sa “My Sunset Girl”, “Yung sa lighthouse scene namin ni Jameson kasi first time ko din nakapunta sa lighthouse. First time ko ma-experience yun. Nakakalula pero maganda. 

“Tapos yung mga eksena din namin sa beach and of course yung confrontation namin ni Ms. Mylene (Dizon). 
“Pati pala yung eksena namin ni Joem (Bascon) sobrang unforgettable kasi medyo mabigat yung eksena tapos first time ko maka-work si Joem. Kilala ko si Joem before pa pero never ko siya naka-work kaya memorable din yun,” masayang kuwento pa ng dalaga.

Mapapanood na ang iWantTFC Original Series na “My Sunset Girl” simula sa July 14, 8 p.m.., sa direksyon ni Andoy Ranay. 

Read more...