Cristine nalagay ang buhay sa bingit ng kamatayan: I can’t die, I want to live…

KUNG may isang matinding eksena sa kanyang buhay na hinding-hindi makakalimutan ni Cristine Reyes, yan ay nang malagay siya sa bingit ng kamatayan.

Muntik na raw siyang mamatay noong 2011 dahil sa sakit na dumapo sa kanya at dahil dito talagang nagkaroon siya ng close encounter sa Diyos.

Sa face-to-face presscon kahapon na ginanap sa Boteyju resto sa Capitol commons, Estancia, Pasig City, para sa serye niyang “Encounter”, naikuwento nga ni Cristine ang tungkol dito.

“Overfatigue na ako noon, low immune system, tinamaan ako ng virus called meningitis. Nag-kombulsyon ako sa set ng ‘Reputasyon’ (teleserye sa ABS-CBN noong 2011).

“They rushed me to the hospital and I stayed in the hospital for almost one month,” ani Cristine.

“They couldn’t find out what’s going on with me so they got to get a water thing in my spine to examine my brain.

“Then they found out na meningitis and it’s deadly, so ako parang nag-pray na lang ako kay God noon and sabi ko, ‘I can’t die, I want to live,’” pag-aalala pa ng award-winning actress.

Patuloy pa niya, “I remember, I was fighting for my life. I am super weak. Then after a week of fighting for my life, lumakas akong bigla. So I guess, God gave me strength to fight because I asked for it and I don’t want to give up.” 

Samantala, ngayong Hulyo, ipinagmamalaki ng Vivamax ang Pinoy adaptation ng “Encounter”, ang hit Korean series tungkol sa May-December romance. Sina Cristine Reyes at Diego Loyzaga ang gaganap sa mga papel na pinasikat nina Song Hye-kyo at Park Bo-gum.

Ang retiradong aktres na si Selene Cristobal (Cristine) ay humiwalay na sa kanyang taksil na asawa.  Dahil sa kanyang kasikatan at sa pagiging anak ng pulitiko, alam ni Selene ang kahalagahan ng reputasyon.  

Gayunpaman, sumang-ayon siyang akuin ang kasalanan ng kanilang paghihiway kapalit ang isang hotel na pagmamay-ari ng pamilya ng kanyang dating asawa.  

Sa ilalim ng kanyang pamamahala, muling nakabangon ang Hotel d’Trevi. Nagkaroon ng kakayanan si Selene na bumili pa ng ilang pag-aari.  

Isang business trip ang magdadala sa kanya sa Ilocos Norte, at doon makikilala niya ang isang binatang muling magpapatibok ng kanyang puso.  

Si Gino Hilario (Diego) ay isa namang Engineering graduate.  Habang hinihintay ang kanyang dream job, nagpasya itong maglibot muna sa Ilocos Norte.  

Mahilig siya sa art at photography pero hindi sa mga pelikula at mga artista, kaya hindi niya kilala si Selene.  Para sa kanya, isa lamang itong babaeng nangangailangan ng tulong nang una niya itong makita.

Tiniyak ng Gawad Urian Best Director awardee na si Jeffrey Jeturian na maipakikita nila ang mga mahahalagang eksena na nasa orihinal na “Encounter”, tulad ng romantikong sunset scene. 

Hindi man natuloy ang balak nilang mag-shoot sa ibang bansa dahil sa pandemya, naging perpekto ang Cape Bojeador Lighthouse sa Burgos, Ilocos Norte bilang kapalit sa Cuba kung saan pinanood ng mga bida ang paglubog ng araw.  

Simula July 23, 2021, maaari nang mapanood ang “Encounter” sa Vivamax. I-stream na ito upang malaman kung bakit hindi makalimutan nina Selene at Gino ang kanilang pagtatagpo sa Ilocos kahit na bumalik na sila sa kanilang normal na buhay sa Maynila. 

Saksihan ang muli nilang pagtatagpo bilang boss at simpleng empleyado. Sundan kung paano mabubuo ang kanilang relasyon sa kabila nang mga kontrabidang nakapaligid sa kanila, tulad ng ex ni Selene na si William Trevino, na ginagampanan ni Ivan Padilla, ang kanyang mother-in-law na si Helen, ginagampanan ni Isay Alvarez, at ang kanyang mga magulang na sina Cynthia at Andres, ginagampanan nina Maricel Morales at Robert Seña.

Kasama rin sa serye sina Yayo Aguila bilang Marilyn, Jeric Raval, Vitto Marquez, Aubrey Caraan, Benj Manalo, Raquel Montesa, Rey PJ Abellana, Candy Pangilinan, Raul Montesa, Josef Elizalde, Anna Jalandoni at Louise delos Reyes.  

Huwag palampasin ang “Enounter”,  Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store at App Store.

Read more...