SUPER turn-off ang TV host sa isang aktor na inakala niyang nagbago na at wala ng bisyo dahil dumalo ito sa isang executive meeting na ikinagulat din ng mga bossing ng isang movie outfit.
Magkaibigan kasi ang TV host at aktor at dahil bilib ang una sa talento nito kaya gusto rin niyang tulungan pero nang malaman niyang hindi pa rin totally “clean” ang huli ay nawalan na siya nang gana.
Wala kasing bisyo ang TV host kaya nagulat siya nang malaman ang nangyari sa nabanggit na meeting.
Sa kasalukuyan ay okay naman sina TV host at aktor at purely business lang ang usapan nila at kuwento ng aming source, “Uunti-untiin na ni ____ (TV host) ang paglayo kay ____ (pasaway na aktor), abangan mo.”
Nanghihinayang naman kami sa aktor kung totoo ang tsika sa amin ng aming source dahil magaling talaga siya. Kaya pala medyo nawindang din ang mga kausap niya nang magkita-kita sila.
“He’s not properly dressed para sa meeting, nagulat kami,” sabi ng aming source.
* * *
Nakakabilib ang Viva Films dahil every week ay may pelikula silang ipinalalabas sa Vivamax, isama pa ang ibang streaming apps tulad ng KTX.ph at iWantTFC dahil halos lahat ng mga pelikulang ito ay sinyut nila sa panahon ng pandemya noong nakaraang taon at ngayong taon.
May mga nakausap kaming executive ng ibang movie outfit na masarap daw magtrabaho sa Viva dahil laging may trabaho.
At higit sa lahat, sila ang kauna-unahang movie outfit na ibinalik ang face to face prescon ngayong pandemic pero siyempre sumusunod sila sa health protocols dahil lahat ng media na dadalo ay dadaan sa swab test.
Anyway, ang una nilang event ngayong Hulyo ay ang pelikulang “Gluta” nina Ella Cruz, Marco Gallo, Rose Van Ginkel at Juliana Pariscova Segovia na idinirek ni Darryl Yap at umere nitong July 2.
Susundan naman ng “Silab” sa Hulyo 9 na pagbibidahan nina Jason Abalos, Marco Gomez, Chloe Barretto mula sa direksyon ni Joel Lamangan.
At katatapos lang ng face to face mediacon ng “The Other Wife” nitong Lunes na mapapanood naman sa Hulyo 16 at pagbibidahan nina Lovi Poe, Rhen Escano at Joem Bascon na idinirek ni Prime Cruz.
Ang susunod ay ang Vivamax original na “Nerisa” nina Cindy Miranda, Aljur Abrenica, AJ Raval, kasama si Sean de Guzman, mula sa panulat ni Ricky Lee at idinirek ni Lawrence Fajardo na mapapanood sa Hulyo 30.
Nandiyan din ang “Mañanita” ni Bela Padilla mula sa direksyon ni Paul Soriano, “Ang Pandanggo sa Hukay” ni Iza Calzado sa direksyon ni Sheryl Rose Andes.
Ipalalabas ulit sa Vivamax ang “Edward” nina Louise Abuel at Ella Cruz na umani ng maraming awards mula sa direksyon ni Thop Nazareno.
Mapapanood din dito ang Pinoy version ng Korean series na “Encounter” nina Cristine Reyes at Diego Loyzaga na pinagbidahan nina Park Bo Gum at Song Hye Kyo, at ang sitcom na “Puto” nina Herbert Bautista, McCoy de Leon at ng Beks Battalion.
Ilo-launch din ang ilang Korean drama tulad ng “Moonlit Winter”, “Taxi Driver,” “Diva”, “Metamorphosis” at “Battle of Jangsari” na pagbibidahan nina Kin Hee-ae, Lee Je Hon, Esom at Shin Min-a.
Ang dalawang Hollywood films na mapapanood na rin sa Vivamax ay ang “Adrift” at “The Lost City of Z.”