NA-BASH nang husto ang dating Hashtag member na si Luke Conde matapos itong mag-tweet.
“It sucks that some people are expressing hate just because you got a job and want to provide for your family.
“Their audacity to give unsolicited opinions without knowing the true story and reason is so pitiful. Can they stop cursing and just be understanding instead,” ang tweet ni Luke.
May nag-react and said na hindi naman siya ang bina-bash ng netizens na lumipat sa Siyete kundi si Bea Alonzo.
“Wala kang narinig sa amin nung lumipat ka kasi naiintindhan namin situation mo. Pero ngayon magpapaka relevant ka? Sorry ha pero super irrelevant ka Luke Conde. Anong mayron ka magandang katawan lang. Bagay ka nga talaga sa pornserye ng GMA,” tweet ni @fanthaiblactor.
“It sucks din….wag kana magbigay ng opinion Luke Conde since hindi ka naman binaBASH,” say naman ni @iemmitch09.
Siyempre, hindi nagpaawat si Luke at tinawag na trolls ang mga bashers.
“Daming trolls. Tapos yung sigaw nang sigaw about respect, tahol din [nang] tahol. Tsk tsk! Paano ka kaya irerespeto?” tweet niya.
Later on, Luke deleted his tweet and blocked those who reacted against him. Inasar naman siya ng bashers lalo.
“Luke Conde ang tyaga mu nman mam blocked, sinama mu pa ako! eh solid madlang peeps ako e! HAHAHAHA!” tweet ni @jenjung4721.
“I was blocked by Luke Conde….Nag comment lang ako sa tweet nyang walang kwenta …kaloka’” say ni @iemmitch09.
Lumipat na si Luke sa GMA 7 matapos ang ilang taon bilang Kapamilya.
* * *
Tuluyan nang tinalikuran ng magkapatid na Miguel at Rafa (RK Bagatsing at Kyle Echarri) ang lolo nilang si Simon (Nonie Buencamino) matapos nilang mag-alsa balutan mula sa mansyon sa tumitinding mga kaganapan sa “Huwag Kang Mangamba,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Magkasamang iniwan ng magkapatid si Mayor Simon matapos nilang matuklasang inutusan nito ang katiwalang si Tomas (Dominic Ochoa) na patayin si Diego (Rafael Rosell), ang kasintahan ni Miguel.
Hindi lang ang magkapatid ang nang-iwan kay Simon dahil maging si Tomas ay nilaglag na rin siya at isinuplong ang mga iligal niyang gawain sa mga awtoridad.
Dahil naman sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng lolo niya, kailangang pag-isipan ni Miguel ang susunod niyang hakbang ngayong nanganganib na rin siyang matalo sa halalan.
Ilalaglag na rin kaya ni Miguel ang sarili niyang lolo para maisalba ang sarili? Ano naman kaya ang gagawin ng pekeng faith healer na si Deborah (Eula Valdes) para siraan ang dati niyang kakampi?
Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix.