HOROSCOPE September 06, 2013

Para sa may kaarawan ngayon: Magiging matagumpay ang buhay sa larangan ng pag-ibig at sa salapi. Kahit maraming pera, hinay-hinay muna sa pagkain ng masasarap, mainam ang minimal na pagda-diet para lalo ka pang sumeksi. Mapalad ang 6, 14, 22, 27, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Keh-Balam.” Silver at red ang buenas.  
Aries – (Marso 21-April 19)— Kung hindi  pipigilan ang walang habas na paggastos, lalong masisimot ang salapi. Sikaping magtipid. Sa pag-ibig, kung hindi patitikimin ng masarap na romansa ang kasuyo, darating ang araw na mawawala din siya. Mapalad ang 3, 9, 18, 23, 27, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Lilac  at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Wag manisi ng kapwa dahil madalas ka rin namang magkamali! Sa pinansyal at pag-ibig, ituloy ang pagiging mabait. Kapag lagi kang nagpapakabuti ay marami pang malalaking suwerte ang aanihin.  Mapalad ang 6, 12, 22, 37, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Pink at beige ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Wag samantalahin ang kabaitan ng iba! Kung paanong niloloko mo ang iyong kapwa, sa bandang huli ay ikaw naman ang lolokohin ng tadhana. Sa pag-ibig, maging tapat sa kasuyong Libra. Mapalad ang 8, 23, 28, 34, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He Vau-Weh.” Gray at olive green ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Magtiis hangga’t kaya pa! Ang ginagawang pagsasakripisyo  ay may gantimpalang salapi sa araw ng bukas. Sa pag-ibig, basta’t patuloy kang nagsisikap ay darating ang araw aayon din sa iyong kagustuhan ang kapalaran. Mapalad ang 7, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gorocha-Om.” Green at gray ang buenas.
Leo– (July 23 – August 22)—“Makakaraos din!” Iyan ang mahiwagang formula dahil sa araw na ito, kusang makakaraos sa isang problemang may kaugnayan pera. Sa pag-ibig, “makakaraos din” at higit pa ngang mas magiging masarap ang romansa sa darating na mga araw. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 42, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Rama-Om.” Yellow at beige ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Wag munang bilangin ang itlog hanggang hindi napipisa. Basta’t lagi ka lang magpakasipag ay kusa ka ring yayaman. Sa pag-ibig, hindi dapat hanapan ang kasuyo dahil ikaw din ay maraming pagkukulang. Mapalad ang 5, 17, 26, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jagat-Guro-Deva-Om.” White at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Tama ang ginagawang paunti-unting pag-iipon. Ngayon palang paglaanan na ang kapaskuhan. Sa pag-ibig, dahil sa isang maling balita ay may pagsubok na darating sa relasyon. Dapat na magpakatatag at umunawa. Mapalad ang 4, 16, 25, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Red at purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Ngayon na ang panahon upang magsimula ng negosyo. Habang papalaki ang buwan sa langit, maraming salapi ang kikitain. Kumbinsehin ang kasuyong Libra na magsosyo kayo sa isang negosyong may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 3, 12, 24, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pulkasa-Om-Kirata.” Green at beige ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Kalimutan na ang nakaraan. Higit kang mas magiging maligaya sa bagong pag-ibig na darating hatid ng isang Leo. Sa pinansyal, isang Aries ang magbibigay sa iyo ng malaking halaga. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Manu-Menggay-Agne-Om.” Olde rose at orange ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Mas maraming magagandang kapalaran ang darating kung iiwasan ang pagyayabang. Kahit kumita ng malaking halaga, isikreto mo lang. Sa pag-ibig, maraming nagnanasa sa iyong kagandahan, mag-ingat sa isang Leo. Mapalad ang 3, 9, 23, 31, 41, at 39. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Yellow at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Malungkot ka na naman? Ikaw din ang may kasalanan, umiibig ka kasi nang bigay todo ang lahat ng iyong sarili. Sa susunod na pakikipag-relasyon, magtira ka naman ng pride upang hindi ka masyadong masaktan. Mapalad ang 4, 8, 17, 26, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Deva-Om.” Violet at purple ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—  Wag nang hintayin ang Pasko. Now na, magsimula ka na ngayon!  Sa halip na isip nang isip ng kung ano-ano, kumilos ka agad nang kumilos upang magkapera. Sa pag-ibig, walang “ideal love” kaya itigil na ang pagpapatansya ng isang masayang relasyon. Mapalad ang 4, 16, 25, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Kadab-Bra.”  Yellow at green ang buenas.

Read more...