SB19, Andrea Brillantes, Sanya Lopez waging ‘Top Celebrity’ sa 1st TikTok PH Awards

WAGING-WAGI ang Kapuso actress na si Sanya Lopez, pati na ang Kapamilya youngstar na si Andrea Brillantes at ang award-winning P-pop group na SB19 sa kauna-unahang TikTok Awards.

Naiuwi nila ang pinakabonggang pagkilala sa nasabing event na ginanap kagabi — ang Top Celebrity Award.

Sa kanila iginawad ang nasabing TikTok award, “for their creative content on the platform, which provided entertainment to users through these uncertain times.”

Mensahe ng SB19 para sa panibago nilang achievement, “Siyempre unang-una sa lahat, gusto naming magpasalamat sa TikTok and of course congratulations to everyone who won an award also and participated.” 

Dagdag pa ng grupo, “Sobrang thankful kami to be receiving this kind of award. Sobrang honored, malaking opportunity po ito para sa amin. Alam naman natin na maraming artist ang natutulungan ng TikTok ngayon. We are very honored to be part of it.” 

Sabi naman ni Sanya, talagang hindi niya in-expec ang natanggap na award dahil ang tanging rason lang daw kaya nag-join siya sa nasabing online platform ay makapagbigay-saya sa kanyang mga tagasuporta.

“Hindi ko akalain na makaka-receive po ako ng award from TikTok. I dedicate this award sa aking family, friends, sa lahat po ng bumoto sa akin,” ani Sanya na may 10 million followers na sa TikTok.

Aniya pa, “Thank you! Maraming, maraming salamat po sa award na ito. Akalain n’yo ‘yon umpisa pa lang, for entertainment, for fun lang naman ‘yong ginagawa natin. Maraming, maraming salamat po.” 

Sa isang panayam sa aktres, nagulat din daw siya na milyun-milyon na ang sumusubaybay sa kanya sa TikTok. 

“I’m very happy and surprised. Di ko akalain na aabot din ako ng 10 million. It started lang talaga na ine-enjoy ko lang yung paggawa ng TikTok. And I didn’t expect na aabot ng ganito.

“Hindi ko alam na may mga nagkakagusto sa mga ginagawa kong TikTok. So happy to see na nag-e-enjoy sila,” pahayag ng dalaga.

Nagbigay din ng speech si Andrea sa pamamagitan ng video message dahil hindi rin siya nakapunta sa awards night tulad ni Sanya.

“Hindi ko inakala na mananalo ako ng award sa TikTok. Thank you to my fans dahil kung hindi dahil sa inyo, hindi magiging ganito kalaki ang platform ko sa TikTok and I wouldn’t be able to express myself with it,” sabi ng Kapamilya actress.

Samantala, nakatanggap din ng award ang magkapatid na sina Ranz at Niana Guerrero bilang  TikTok’s Top Creator.

“It’s an honor receiving this award. It’s crazy how TikTok evolved. We were there when it first started. I can still remember we were in Indonesia before the TikTok launched. 

“Back then, the community is not that big. It’s crazy how the community has evolved into this huge thing. Even the creators, there’s a lot more. The creativity is crazy,” sabi ni Ranz. 

“We just want to say thank you so much to everybody who has been supporting us. We really do appreciate it. Once again, it’s such an honor to receive this award. We’ll continue to keep making content for you guys, just watch out,” sey naman ni Niana.

Narito ang iba pang nagwagi sa 1st TikTok Awards:

Rising Star Award
Vanessa Alvarez
Father Fiel Pareja
Krizzle Luna

Top Talent Award
Zendee
Marvin Fojas
Yanyan de Jesus

Top Creative Award
Stephen Benihagan
Dr. Kilimanguru
Boss Edlyn

Popular Creator Award winners
@JooksToGo
@LennieEnverga
@JLCastillo

Si Billy Crawford at ang voice talent na si Inka Magnaye ang nag-host ng nasabing virtual event na pinamagatang “Ipakita Mo.” 

Read more...