Direk Joel bilib sa tapang ni Cloe Barretto sa paghuhubad: Para siyang si Jaclyn Jose

PURING-PURI ng premyadong direktor na si Joel Lamangan ang mga baguhang artista niya sa erotic-drama film na “Silab” mula sa 3:16 Media Networks.

Walang naging problema si Direk Joel kina Cloe Barretto at Marco Gomez habang ginagawa nila ang pelikula dahil game na game na ginawa ng mga ito ang lahat ng maiinit at mapangahas nilang mga eksena.

“Iba siya, malalim siya. Para siyang hindi baguhan sa pag-arte. Mahusay yung bata. Kapag nabigyan pa siya ng maraming pelikula siguradong marami pa siyang ipapakita,” papuri ni Direk Joel kay Cloe na walang keber sa mga mga sex scenes niya with Marco and Jason Abalos.

“Wala rin siyang kaarte-arte sa ipinapagawa ko. Yung mga inhibitions niya kinalimutan niyang lahat kaya napakadali niyang katrabaho. Para siyang si Jaclyn Jose nu’ng nagsisimula pa lang siys noon sa Private Show,” dagdag ng direktor.

Sa nakaraang virtual mediacon para sa “Silab”, natanong ang direktor kung bakit hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang pelikula kahit mga baguhan ang mga bida niyang artista 

“Kailangan natin ng mga bagong mukha, bagong artista, mga promising actors kasi kung hindi natin sila bibigyan ng chance, eh, mamamatay ang industriya natin. 

“Karamihan sa mga artista natin ay matatanda na, kailangan natin ng bago, pero yung mga baguhang promising at nakakaarte, ha. Huwag yung feeling nila, eh, ang husay-husay na nila pero hindi naman makaarte sa harap ng kamera,” pagpapakatotoo ni Direk.

“Mabuti nga may mga ganito pang pelikula kahit pandemya, di ba? May mga film producer pang sumusugal at nagbibigay ng chance sa mga baguhan.

“Kaya sobrang thankful din ako kasi meron akong ginawa, tapos instrument pa ako kahit paano para makilala yung mga deserving na baguhan na may mga karapatan,” sabi pa ni Direk Joel.

“Kailangan nating magtulungan. Kailangan nating mag-discover and I’m proud na ako ang unang naging director ni Cloe,” aniya pa.

Mula sa panulat ng multi-awarded scriptwriter na si Raquel Villavicencio, kasama rin sa “Silab” sina Lotlot de Leon, Jim Pebengco at Chanda Romero. 

Mapapanood na simula sa July 9 ang “Silab” via streaming. Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store at App Store.

Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit. Meron pang hot price na P29 lamang at may 3-day access na sa Vivamax para mapanood nang paulit-ulit ang “Silab” pati na rin ang iba pang pelikula ni Joel Lamangan, tulad ng  “Warat”, “Ang Huling Birhen sa Lupa”, “Bulaklak ng Maynila”, “Hindi Tayo Pwede”, at iba pa.  

Mapapanood din ang “Silab” sa Vivamax Middle East. Sa ating mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar, watch all you can na for only AED35/month.

Read more...