INAASAHANG mas bobongga pa ang career ng all-girl P-pop group na BINI matapos silang i-launch kamakailan ng ABS-CBN.
Bongga ang ginawang paglulunsad sa grupong kinabibilangan nina Aiah, Colet, Gwen, Jhoanna, Maloi, Milkha, Sheena at Stacey na dinaluhan ng kanilang fandom mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at maging sa ibang bansa.
Bukod sa kanilang superb performance ay rumampa rin ang mga BINI members sa isang mini fashion show featuring the creation of celebrity designer Francis Libiran at sinundan nga ng virtual mediacon.
Unang nabuo ang grupo sa talent search na “Star Hunt Academy” hanggang sa sumailalim nga sila matinding training at ngayon nga ay unti-unti na silang gumagawa ng sariling pangalan sa music industry bilang contract artist ng Star Magic at Star Music.
Isa sa mga naitanong sa grupo ng press ay kung ano sa palagay nila ang kanilang katangian para magtagal sa industriya. Sagot ni Jhoanna, “Tinitiyak namin na patuloy na ibalik ang ating sarili. Palagi kaming sumusubok na matuto ng mga bagong bagay.
“Tumatanggap din kami ng feedback, mabuti man o masama, at nagpapakita ng respeto sa mga tao sa paligid namin. Tinatrato namin ang ginagawa namin bilang aming pagkahilig. Sa ganitong paraan, hindi kami nakakaramdam ng pagod,” aniya pa.
Si Aiah naman ang sumagot tungkol sa mga bashers ng BINI, aniya mahalaga na bukas sila sa mga kritisismo mula sa publiko para na rin sa ikauunlad ng kanilang grupo.
“Ngunit pagdating sa mga negatibo at nakasasakit na komento, alam naming hindi maiiwasan kaya’t hinahayaan lang natin sila. Patuloy naming pinapaalalahanan ang ating sarili na ang buhay ay maganda, na tayo ay pinagpala at ipinanganak upang manalo,” dugtong ng dalaga.
Samantala, nagbigay din ng mensahe para sa BINI si ABS-CBN Entertainment production and Star Magic head Lauren Dyogi.
“2018 was a significant year for all of us. It was the year we all met in different venues when you were auditioning for the Star Hunt grand audition. Back then we didn’t know that we will meet up today on this stage.
“You went through a lot already in those three years. Sa training pa lang, you went through that rigorous training and your bodies were not used to it. For all of you having self-doubt, kung kaya ko ba ‘to? Is it all worth it?
“All of you were also battling homesickness and I’m so proud that you carried on despite of the grief of a loss in your family. Lahat kayo dinaanan niyo yung teenage issues and you were all trying to get used to each other’s personalities and different backgrounds.
“And I’m very proud that you’ve all matured and evolved to very mature and responsible ladies. You persevered, you worked hard and you sacrificed a great deal of your youth.
“And now as I look at you, with pride and admiration that you have all blossomed into beautiful binibini and that’s inside out and that’s from the bottom of my heart,” pahayag ng TV executive.
“Fast forward from the time that we started, it seemed like now we’re facing the uncertainty of the future. I know that you are confident enough because you have the right training, the discipline, and the right values that will carry you on in facing all the challenges.
“Walang makakapipigil sa inyo. Have faith. Because I know that in your heart, you can do a lot of things. Nothing can limit what you can do, individually and as a group. And I know that it is etched into your hearts, that you were all born to win.
“Congratulations BINI for your debut. I know it’s much delayed but you know we cannot question God’s perfect timing. I think this is the best time for your debut. Congratulations and cheers to your future milestones and achievements.
“Please continue to make your family and your parents proud and continue to make the country prouder. We will cheer you on together with your brothers in BGYO. I know you will trailblaze and lead the global phenomenon,” sabi pa ni Direk Lauren.
Kung matatandaan, last November, 2020 ay nag-viral ang BINI dahil sa kanilang pre-debut single, ang Ryan Cayabyab classic at Smokey Mountain original na “Da Coconut Nut.”