Ben&Ben tinupad ang pangarap ng SB19: Nagsisimula pa lang kami talagang idol na namin sila | Bandera

Ben&Ben tinupad ang pangarap ng SB19: Nagsisimula pa lang kami talagang idol na namin sila

Ervin Santiago |July 02,2021
facebook
share this

Ben&Ben tinupad ang pangarap ng SB19: Nagsisimula pa lang kami talagang idol na namin sila

Ervin Santiago - July 02, 2021 - 09:02 AM

NAGMISTULANG pa-tribute ang pagbibigay ng mensahe ng mga miyembro ng P-Pop group na SB19 sa OPM band na Ben&Ben.

Ibinandera ng award-winning Pinoy boy band ang kanilang paghanga sa Ben&Ben at talagang pangarap na raw nilang maka-collab ang grupo kahit noong nagsisimula pa lang sila sa music industry.

Kaya naman talagang dream come true para sa SB19 ang mabigyan ng pagkakataon na makatrabaho at makasama sa isang proyekto ang kanilang mga iniidolo sa larangan ng musika.

In fairness, sa maikling panahon ng kanilang pagsasama para sa band version ng hit song ng SB19 na “MAPA”, na isang ballad na nagbibigay-pugay sa lahat ng mga magulang, nakabuo raw sila agad ng solid na samahan.

Ayon sa SB19, mabubuti at mga totoong tao raw ang lahat ng miyembro ng Ben&Ben at umaasa sila sa mas marami pang collab in the future.

At sa pamamagitan nga ng Twitter, nagbigay ng mesage sina Pablo, Josh, Stell, Ken at Justin para sa Ben&Ben na umani ng papuri at likes mula sa mga netizens.

Mensahe ng leader ng grupo na si Pablo, “And it’s really nice to collaborate with amazing people na talaga naman, una pa lang na nagsisimula kami talagang ina-idolize o nilu-look up to namin and makasama namin sila at mag-perform on stage.”

Ayon naman kay Ken, “Working with Ben&Ben, grabe talaga ‘yung saya na naramdaman namin.”

Sey ni Justin, “Lagi nga namin naiisip, ‘What if maka-collab namin sila (Ben&Ben)?’ Ngayon na nandito na, hindi na namin pinalampas ‘yung opportunity.”

“Vey refreshing na nakasama o maka-meet ng mga bagong friends,” ang sabi ni Josh.

Pagbabalik-tanaw naman ni Stell, “Sobrang kinakabahan ako kasi alam na very vocal ang SB19 tuwing tinatanong kami, ‘Sinong artist sa Philippines na gusto niyo maka-collab?’ And Ben&Ben is one of them. Sila ‘yung lagi namin sinasabi na gusto namin maka-collab.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Maraming salamat Paolo, Miguel, Pat, Agnes, Poch, Andrew, Jam, Keifer, Toni. Maraming salamat Ben&Ben. SBEN19 SAKALAM!” ang mensahe pa ng SB19 para sa Ben&Ben.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending