Veteran female celeb ayaw nang pag-usapan ang walang kuwentang aktor; may 2 favorite na aktres

HANGGA’T maaari ay ayaw nang pag-usapan pa ng beteranang aktres ang isang aktor na nakasama niya sa ilang programa dahil bumabalik sa isipan niya kung paano siya nito dinedma-dedma.

Kung hindi nanay ay lola ang madalas na karakter ng beteranang aktres at masaya niyang inaalala ang mga nakatrabaho niyang aktor at aktres na bawa’t isa sa kanila ay may sariling kuwento.

Paborito raw ng aktres ang dalawang kilalang female celeb na nakasama niya sa teleserye at pelikula.

“Si ____ (aktres na nakatrabaho sa serye) bago pa lang siya no’n, super bait at napakalambing. Hanggang ngayon na sikat na sikat na hindi nagbago, laging nakakaalala lalo na nu’ng nakaraang taon, di ba lockdown?  

“Nangungumusta at magsabi raw ako kung ano ang kailangan ko. E, siyempre nahiya naman ako, pero ‘yung naalala ka, malaking bagay na ‘yun,” nakangiti nitong sabi.

Ang ikalawang aktres na nakasama niya sa pelikula, “ay iba naman ang style no’n. Pag break kami, madaldal nakikipagkuwentuhan naman. Kinukumusta niya ako lagi, masayang kasama, nakakatuwa.”

May mga aktor din siyang nabanggit na kinumusta siya sa kasisimula ng COVID-19 pandemic at pinag-iingat siya kaya naman na-touch talaga siya.

At binanggit nga niya ang pangalan ng aktor na nakasama niya sa ilang serye at pelikula, “Wala, hindi nakaalala. E, hayaan na kung hindi ako naalala, e, di hindi.”

May isang aktor na natuwa ang beteranang aktres na kung titingnan daw ay suplado at feeling dededmahin ka, pero hindi pala, super bait at laging nagpapameryenda sa set.

* * *
                                       
Sa wakas libre na ang panonood sa iWantTFC ng higit sa 10,000 oras ng pelikula, palabas, at originals para sa users nito sa Pilipinas simula Hunyo 30.

Isa kami sa hindi na nakakapanood ng mga bagong TV series at pelikula simula nu’ng nawala ang iWant at pinalitan ng iWant TFC dahil nga may bayad ito, hindi na kaya ng budget namin dahil naglalaan din kami para sa pambili ng load lalo’t data lang ang gamit namin.

Anyway, para sa mga libreng iWantTFC ay i-download ang app o bisitahin ang iwanttfc.com para tuloy-tuloy na masubaybayan ang mga ABS-CBN primetime teleserye na “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Huwag Kang Mangamba,” “Init Sa Magdamag,” at “La Vida Lena” at ang advance episodes nilang available sa platform, dalawang araw bago sila ipalabas sa telebisyon.

Ngayong taon, madadagdagan din ng iWantTFC originals na ekslusibong mapapanood sa platform gaya ng romance drama na “My Sunset Girl” ni Charlie Dizon, pati na ang ikalawang season ng “Hoy Love You” tampok ang susunod na kabanata ng love stories nina Joross Gamboa, Roxanne Guinoo, Aljon Mendoza, at Karina Bautista at ang pagdating ng bagong karakter ni Ritz Azul.

Magsasama naman ang mag-inang Sylvia Sanchez at Ria Atayde sa iWantTFC original series na “Mrs. Piggy” tungkol sa isang pamilyang nakaahon mula sa hirap, habang magbabalik-tambalan sina Adrian Lindayag at Keann Johnson para sa seryeng “Love Beneath the Stars” na hango mula sa patok na 2020 MMFF boys’ love (BL) movie nilang “The Boy Foretold by the Stars.”

Sa iWantTFC, ang tahanan ng mga kwentong Pilipino, mapapanood na rin ang mga orihinal na show mula sa Brightlight Productions, gaya ng news magazine and lifestyle show ni Korina Sanchez na “Rated Korina. Magbibigay-saya rin ang comedy shows na “Oh My Dad” at “Sunday Kada,” at ang romcom na “I Got You.”

Tuloy-tuloy rin ang kilig na hatid ng Thai BL series mula sa GMMTV dahil nakatakdang ipalabas sa Pilipinas ang apat pang bagong serye tulad ng “Baker Boys,” “Bad Buddy,” “Enchante,” at “Not Me.”

Higit sa isang libong pelikula naman ang mapagpipiliang panoorin, gaya ng 2020 Star Cinema movies na “Boyette: Not A Girl Yet” at “My Lockdown Romance.” Sa iWantTFC rin ekslusibong mapapanood ng mga Pinoy ang “Tripol Trobol,” ang director’s cut ng “3pol Trobol: Huli Ka Balbon!” na pinagbidahan nina Ai-Ai delas Alas, Jennylyn Mercado, at Coco Martin.

Imbitado rin ang mga gamer at streamer sa “The Gaming House,” isang mala-“Pinoy Big Brother” na reality show kung saan maglalaban-laban ang sampung content creators para sa pagkakataong mapabilang sa e-sports talent agency na Tier One Entertainment.

Tuloy-tuloy na saya, kilig, kulitan, at kilig ang mapapanood sa iWantTFC. Mag-download lang ng iWantTFC app (iOs and Android) o gumawa ng account sa iwanttfc.com para libreng makapanood ng higit sa 1,000 pelikula, ABS-CBN shows, Kapamilya classics, newscasts, lifestyle shows, Asianovelas, lahat ng iWantTFC originals, at iba pang digital content.

Read more...