Rufa Mae napabayaan ang sarili, inatake ng depresyon sa US: Pero lumaban ako at kinaya ko

KUNG mabibibyan ng chance, gustong subukan ni Rufa Mae Quinto ang pagkakaroon ng career sa Hollywood tulad ng pangarap ng maraming Filipino artists.

Nasa Los Angeles, California, USA pa rin hanggang ngayon ang komedyana kasama ang asawang si Trevor Magallanes at ang anak nilang si Athena at mukhang nais ni Rufa Mae na subukan din ang pag-abot kanyang Hollywood dream.

Tutal naman daw ay nandoon na siya, kaya might as well, itodo na ang inaasam na acting career sa Hollywood. Wala naman daw mawawala sa kanya kung ita-try niya.

Sa panayam ng GMA sa aktres, naikuwento niya ang mga pinagdaanang challenges simula nang maging full time wife at hands on mom siya sa Amerika.

“Actually, it was really hard. Yes! Mahirap talaga ‘yung una pero parang dahil sa takot ko na sobrang lungkot, sobrang takot dahil nga sa pandemic, tapos may anak ka, parang lagi mong iisipin, ang importante sama-sama kayong pamilya tapos healthy kayo,” pahayag ni Rufa Mae.

Nag-iba raw bigla ang lifestyle niya mula nang manirahan sila sa California matapos ngang abutan ng lockdown doon dahil sa COVID-19 pandemic.

“Kanina nagda-drive ako dito sa Amerika. Talagang alam mo ‘yun? Parang ibang-iba na. Hindi na ako ‘yung dating Rufa Mae na ang daming mga kasama, glam team here, glam team there, limelight,” chika pa ni Booba.

“Grocery at pagluluto, lahat ‘yon araw-araw ‘yun na lang ang trabaho ko. Ang hirap kaya, pero talagang kinaya ko,” sabi ni Rufa Mae.

“‘Yung susi lang, eh. Ilang beses akong na-lock, tapos siyempre minsan nandoon sa loob ‘yung anak mo. ‘Yung mga ganu’ng struggle.

“Tapos siyempre nakakalimutan mo ‘yung mga pinto, minsan hindi mo na naisarado, minsan hindi mo nai-lock, minsan naiwan mo na ‘yung labada,” tuluy-tuloy pang pagbabahagi ng celebrity mom sa pagiging asawa at nanay.

At dahil daw dito, talagang nakalimutan na niya ang sarili at inatake rin ng depresyon dahil sa biglang pagbabago sa kanyang buhay.

Hanggang sa may nag-offer nga sa kanya na maging cover girl para sa isang U.S. based magazine kaya kinarir talaga niya ang pagpapapayat.

“Napabayaan ko, ang laki ko talaga, namamanas ako, ayoko nang humarap (sa salamin). Tapos noong nabigyan ako ng chance sa magazine, nakita ko ‘yung sarili ko, ‘Ay kaya pala.’ 

“Tapos tuloy-tuloy na ang paglaban. Nagwo-workout na ako, pumayat na ako, kaya ko na ulit mag-two piece. Pero noon ay ayokong makita ‘yung sarili ko,” pahayag pa ni Rufa Mae.

Read more...