Si Bea Alonzo nga ba ang award-winning actress na lilipat na rin sa GMA 7?

NAGLABAS na ng teaser photo ang GMA 7 patungkol sa isang sikat at award-winning actress na very soon ay magiging Kapuso na rin.

At in fairness, karamihan sa mga nanghulang netizens ay iisa ang pangalang binanggit — si Bea Alonzo na nga raw ang mag-oober da bakod at bagong iwe-welcome sa Kapuso Network.

Very obvious naman daw kasi ang paandar na teaser picture na ipinost ng GMA sa kanilang social media account, partikular na sa Kapuso Girl Instagram account.

Makikita rito ang nakatakip na mukha ng nasabing female celebrity at isang mata lamang nito ang makikita. 

“One of the biggest artists in Philippine showbiz will Be A Kapuso,” ang nakalagay sa caption kung saan ang mga katagang “Be A” ay nakasulat sa mga pulang letra.

“AN AWARD-WINNING ACTRESS WILL SOON BE A KAPUSO!” ang naunang patikim ng network tungkol sa lilipat na female celebrity.

Comment ng isang netizen, “Si Bea Alonzo na yan! Halata naman sa mga teaser tsaka yung mata sa picture Bea na Bea!”

Sabi naman ng isa pang nanghula, “Yay! BEA ALONZO AND JOHN LLOYD CRUZ nasa GMA na! Sana sila ang magkasama sa first project nila as Kapuso! Ang bongga bongga bonggan nun!”

Bukas inaasahan ang announcement ng GMA para sa bagong Kapuso star at ang pagpirma niya ng exclusive contract. 

Nakatakda rin siyang humarap sa members ng entertainment media para sa isang digital mediacon kaya tingnan natin kung tama nga ang hula ng mga netizens.

Pagkatapos ngang mag-ober da bakod ng magaling na aktres na si Beauty Gonzalez at ng komedyanang si Pokwang, ay ang award-winning actress na nga ang nakatakdang mapanood sa mga upcoming projects ng GMA.

Super excited na ang mga Kapuso viewers na malaman kung sino nga ang lilipat na “mystery celebrity” na ngayon pa lang ay nakalinya na raw ang mga bonggang proyekto na gagawin niya sa Kapuso Network.

Sabi nga ng isang executive ng GMA, tiyak daw na magiging asset ng network ang paglipat niya dahil talaga namang love na love siya ng Filipino audience mula noon hanggang ngayon.

Read more...