MUKHANG walang epek kay Jennica Garcia ang paghingi ng tawad at tila muling panliligaw uli sa kanya ng nakahiwalay na asawang si Alwyn Uytingco.
Patuloy kasing dinededma ng nagbabalik-Kapusong aktres ang mga hugot ng aktor sa kanyang Instagram accounts at ang paulit-ulit nitong paghingi ng tawad sa mga pagkakamaling nagawa niya bilang asawa.
“Mahal kita, @jennicauytingco. Sorry sa lahat ng pagkukulang ko. Patawad sa lahat ng pagkakamali ko. Di mahalaga kung ano sabihin nila ang mahalaga para sakin ay mga salita na manggagaling sa ’yo.
“Natalisod man ako, hindi ko hahayaan na nandito lang ako. Babangon ako, mahal. At patuloy na babagtas patungo sa’yo. Mahal na mahal kita,” ang post ng aktor sa kanyang IG.
Mas naging kontrobersyal pa ngayon ang kanilang breakup matapos talakan ng nanay ni Jennica na si Jean Garcia si Alwyn sa pamamagitan ng social media dahil sa kawalang respeto umano nito sa veteran actress.
“Di ka marunong makipag-usap Alwyn, respeto lang hinihingi ko sa ‘yo, di ka marunong rumespeto sa mother in law mo… ‘yun lang naman… just saying!” hirit ni Jean sa aktor.
Sa panayam ng GMA 7 kay Jennica, sinabi nito na nagsimulang magkalamat ang relasyon nila ni Alwyn noong March, 2021. Sinabayan pa raw ito ng pagkamatay ng kanyang lola nang dahil sa COVID-19.
“It started ng March, the failing of my marriage. And that same month, my lola passed away because of COVID,” pahayag ni Jennica.
“Tapos I was praying to the Lord kasi masyadong magkasunod ‘yung malaking event,” aniya pa.
Inamin naman ng aktres na napakahirap daw pala talaga ng pagiging single parent, “Now that I am a single mom, I have to, of course, think of a lot of things that I wasn’t thinking about before.
“Iba kasi kapag mayroon kang katuwang sa buhay, as in you have a partner in life sa pagiging solo parent,” dagdag pang pahayag ni Jennica.
Inamin din niya na talagang humanap siya ng professional help noong kasagsagan ng kanyang pagiging down, “I find comfort in knowing that everything in this world is ever changing but God’s love never changes.
“So I just take comfort in that and I seek help also from professionals. I make sure that I meet my doctor weekly, my psychologist,” lahad ng aktres.
Nagbalik sa pag-aartista si Jennica para na rin sa kinabukasan ng kanyang mga anak. Malapit na siyang mapanood sa comeback project niya sa GMA 7, ang “Las Hermanas.”