Award-winning actress lilipat na rin sa GMA, naghihintay na ang mga bonggang project

KANYA-KANYANG hula na ngayon pa lang ang mga netizens kung sino ang award-winning actress na very soon ay magiging Kapuso na rin.

Balitang-balitang na kasi ang chika na isang sikat na female star ang nakatakdang lumipat at pumirma na kontrata sa Kapuso Network very soon.

Pagkatapos ngang mag-ober da bakod ng magaling na aktres na si Beauty Gonzalez at ng komedyanang si Pokwang, ay isa pang kilala at premyadong aktres ang nakatakdang mapanood sa mga upcoming projects ng GMA.

Ngayon pa lang ay excited na ang mga Kapuso viewers na malaman kung sino nga ang lilipat na award-winning actress at talagang nanghuhula na sila kung sino nga ito.

Pero isa lang ang sigurado sa ngayon, siguradong nakalinya na ang mga bonggang proyekto para sa kanya ng Kapuso Network.

Sabi nga ng isang executive ng GMA, tiyak daw na magiging asset ng network ang paglipat niya dahil talaga namang love na love siya ng Filipino audience mula noon hanggang ngayon.

Kayo dear BANDERA readers, may hula na ba kayo kung sino siya? Sinu-sino ba ang wala nang kontrata sa ibang network na pwedeng-pwede nang magtrabaho bilang Kapuso?

Well, maraming naglalabasang pangalan base sa mga comments ng netizens pero abangan na lang natin ang grand reveal very soon sa GMA. Pero meron na kaming idea kung sino siya, sana tama! Ha-hahaha!

Read more...