Sarah ginulat ang madlang pipol sa bagong hairstyle; trip-trip lang o may kahulugan?

MAY “shock” at “gulat” factor sa madlang pipol ang bagong hairstyle ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Hindi kasi inaasahan ng mga fans na magpapagupit ang singer-actress ng ganu’n kaikli na una ngang nasilayan ng publiko sa katatapos lang ng kanyang online concert kasama ang asawang si Matteo Guidicelli.

Talagang na-surprise ang mga Popsters nang bumulaga sa kanila ang bagong look ng Box-Office Queen at OPM icon with her liberating pixie haircut.

Ito kasi ang unang pagkakataon na nagpagupit ng ganu’n kaikli ang misis ni Matteo Guidicelli simula nang magsimula ang career niya sa showbiz.

Sa mga nabasa naming comments sa social media nu’ng unang humarap sa audience ng digital concert nila ni Matteo si Sarah, baka raw naka-wig lamang ang aktres sa show para maiba lang ang kanyang itsura.

Ngunit ilang die hard Popsters ang nagpatunay na tunay na buhok iyon ni Sarah at totoong nagpagupit siya ng super short. Sa katunayan daw, matagal na niyang gustong magpaikli ng hair pero hindi pa raw pwede dahil sa ilan niyang endorsements.

Marami naman ang nagsabi na bagay kay Sarah ang bago niyang hairstyle dahil nagkaroon daw ng bagong attitude ang kanyang aura at umaliwalas din ang itsura niya.

Sey naman ng isang netizen, “Siguradong mahe-headline na naman si Idol Sarah G dahil sa hair niya at sure na sure na marami ang gagaya sa hairdo niya.”

Pero may ibig sabihin nga kaya ang pagpapagupit ni Sarah G? Kailangan ba ito sa susunod na project na gagawin niya? O trip-trip lang? Abangan!

* * *

Mga kwentong Pinoy na puno ng kilig, katatawanan, at saya ang mae-enjoy sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment sa pagpapalabas nito ng patok na Pinoy movies at mga teleserye na may English subtitles at dubbing mula Hunyo 25 hanggang Hulyo 31.

Ito ang espesyal na handog ng ABS-CBN sa buong mundo bilang bahagi ng pagdiriwang nito ng kalayaan ng Pilipinas ngayong Hunyo.

Naka-English dubbing na ang sagutan nina Sara at Kara na parehong ginampanan ni Julia Montes sa patok na seryeng “Doble Kara.” Dito, muling masusundan ang kwento ng magkakambal na pinaglayo at pagtatagpuin ng tadhana at may magkaibang ugali at ambisyon.

Nariyan ang “It Might Be You” nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz tungkol sa dalawang magkakabatang magmamahalan sa kabila ng magkaiba nilang estado sa buhay.

Bida naman ang kwento ng overseas workers sa “Crazy For You” nina Toni Gonzaga at Luis Manzano. Susundan nito ang kwento ng isang katulong at isang among magkakahulugan ng loob nang walang kamalay-malay sa koneksyon nilang dalawa.

Handog din ng ABS-CBN Entertainment ang limang pelikulang may kasamang English subtitles, kabilang na ang “Super Parental Guardians,” kung saan magsisilbing mga magulang sina Vice Ganda at Coco Martin sa dalawang batang nawalan ng ina at ama.

Matinding unos naman ang pagdadaanan ng relasyon nina Gerald Anderson at Bea Alonzo sa “How To Be Yours” dahil sa magkaibang pangarap nila para sa kanilang sarili at relasyon.

Kilig at katatawanan ang ihahain nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado sa “Just the 3 of Us” sa love story ng isang piloto at isang flight attendant na mapipilitang magsama sa iisang bubong nang magbunga ng isang baby ang isang mapusok na gabing pinagsaluhan nila.

Sina Kris Aquino, Kim Chiu, at Jodi Sta. Maria naman ang nangunguna sa “All You Need is Pag-ibig” tungkol sa iba’t ibang kwento at uri ng pag-ibig.

Sa fantasy comedy-drama na “Kusina Kings,” mag-best friend sina Zanjoe Marudo at Empoy Marquez na sasali sa isang cooking contest para maisalba ang restaurant at pagkakaibigan nila.

Read more...