Iya mas confident at palaban na sa kusina; season 2 ng ‘Eat Well, Live Well. Stay Well.’ ihahain na

REUNITED sina Iya Villania at Chef Jose Sarasola para sa second season ng kanilang cooking show sa GMA 7 na “Eat Well, Live Well. Stay Well.”

In fairness, napakarami naming natutunan sa programang ito nina Iya ay Chef Jose na nagagamit talaga namin sa araw-araw na pagluluto para sa breafast, lunch, meryenda at dinner.

At sigurado kami na tuwang-tuwa rin ang mga Kapuso viewers sa pagkakaroon ng season 2 ng “Eat Well, Live Well. Stay Well” dahil tiyak na may mga bagong recipes at cooking tips na namang ibabahagi sina Iya at Chef Jose.

Sa nakaraang digital presscon ng show para nga sa ikalawang season nito ay natanong ang dalawang host kung anu-ano ang mga nagbago sa kanilang cooking habits ngayon.

Sey ni Iya, “Wala namang nagbago kasi ever since masarap naman na akong kumain. My bosses in GMA can attest to that, from Taste Buddies to Mars Pa More, masarap talaga kumain.”

Dahil daw sa mga programang ito ay talagang nag-uumapaw na ang kanyang confidence na maghanda ng masasarap na pagkain para sa kanyang pamilya.

“What has changed are my cooking habits. I have definitely become so much more confident and comfortable being in the kitchen.

“Dati talaga parang nagpo-procrastinate pa ako, e. Parang nakakatamad. Now it’s such a joy to be in the kitchen and even if I don’t know or have nothing exactly prepared.

“I look forward to experimenting. Ganu’n na kalakas ‘yung loob ko. I am not afraid to veer away from the recipe and to experiment and try something new,” masayang kuwento ng misis ni Drew Arellano.

Sabi naman ni Chef Jose, dahil sa “Eat Well, Live Well. Stay Well.” nadiskubre niya na hindi kailangang maging expensive at complicated ang isang dish para maging yummy ito.

“For me, finding out these recipes na sobrang sarap and sobrang dali na kayang‐kaya nating gawin sa bahay natin. As a chef, I’ve tried cooking different kinds of recipes and food. With these recipes that were learning sa show, parang sobrang sarap niya,” paliwanag ni Jose.

Sey pa ng binata, kahit daw ang kanyang pamilya, mga kaibigan, at social media followers ay nanonood ng kanilang programa dahil sa nga inihahanda nilang mga recipes.

“My grandma asked for the recipe, my family, my friends. May mga nagdi-DM (direct message) sa akin sa Instagram na chef ang galing napanood ko ‘yung recipe.

“I think people really appreciate these recipes kasi sobrang dali niyang gawin and of course it’s really budget-friendly,” sey pa ng chef.

Magsisimula na ang season 2 ng “Eat Well, Live Well. Stay Well.” ngayong July 2, 11:20 a.m. sa GMA Network.

Read more...