Alden ayaw nang magpadikta sa sasabihin ng iba: Hindi kami mga robot, we’re learning machines

MAS bumilib pa kami sa Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards nang muli siyang humarap sa entertainment media kamakailan para sa bago niyang teleserye sa GMA 7, ang “The World Betweeen Us”.

Makakasama niya rito bilang leading lady si Jasmine Curtis at si Tom Rodriguez bilang kontrabida na magsisimula na sa Telebabad block simula sa July 5, na siyang papalit sa “First Yaya.”

In fairness, talagang nasagot ni Alden nang bonggang-bongga ang mga tanong sa kanya ng press, wala siyang inurungan kahit na ang mga maiintrigang question about his personal life at sa kanyang mga detractors.

Isa sa mga naitanong sa award-winning Kapuso actor ay ang tungkol sa loveteam nila ni Jasmine na kahit tanggap na ng kanilang mga fans ay meron pa ring ilan na nangnenega.

Paano nga ba niya ire-rate ang mga pagbabago sa tambalan nila ni Jasmine? “Ang hirap namang mag-rate ng mga ganyan,” natatawang sagot ng binata.

Dugtong niya, “Si Jas po kasi, if I can recall it correctly, nagkita tayo sa isang opening ng supermarket, ribbon cutting, malapit po sa may U.S.T. Ayoko na lang pong mag-namedrop ng brand.

“Pero si Jas po kasi, all these years na nakilala ko siya, kapag nagkikita po kaming dalawa, there’s a certain feeling na parang ang tagal na naming magkakilala.

“Yun ang comfort that I found whenever I see her and whenever I work with her even more. Parang that brings us into the character that we have to play,” pagbabalik-tanaw ni Alden.

“Ang laking bagay po kasi, kapag kumportable ka sa isang tao and you work with them. No pressure, walang wall, nasa same page kayo.

“Gusto niyong mapaganda ang trabaho niyo. You’re very passionate about what you’re doing. Iyon ang nabibigay sa akin ni Jas unconsciously.

“So I don’t know kung ganoon din siya sa akin. But personally, yun po ang isa sa mga bagay kung bakit this soap is working.

“And as you can see rin po sa trailer na pinalabas namin, parang it’s about time rin po na whenever we do a love story, we give the stigma na something romantic should happen off-cam between the actors that you’re watching.
      
“I’d like to believe na nag-grow na rin po ang audience natin na parang it’s really more about the project rather than the personal lives of the actors in it.

“Ito pong The World Between Us is proof of that, and they have to watch it to see it po,” paliwanag pa ng Pambansang Bae.

Wala na bang ilangan sa pagitan nila ni Jasmine kahit na may mga negatibong comments pa rin ang ilan niyang fans? “When it comes to that, I have learned how to make decisions by myself.

“Kung makikinig lang po kasi ako palagi ayon sa sinasabi ng iba, coming from other experiences, hindi po ako maggu-grow as an actor. The same goes with Jasmine as well.

“If we always listen to people who bring us down and not support our endeavors and iyong mga ginagawa namin, hindi po kami maggu-grow.

“Mai-stuck lang po kami sa mentality na laging ‘ayaw ng ganito, ayaw nila ng ganito’ sa social media. We don’t function like that.

“We’re not robots. We’re learning machines. We like to learn. We like to experience. We like to explore different stuff for our growth. Kasi, iyon po ang… I’d like to believe, one of the principles of a good actor, evolving actor,” lahad ng binata.

“Sa kilig naman, kami ni Jas, we don’t really prepare for it. Pero for some reason, take one siya, e. May ganoon, and all the more na hindi pinagpaplanuhan ang isang bagay, all the more na nagkakaroon ng bunga.

“Siguro kami ni Jas, meron na po kaming secret language. Hindi po kami nag-uusap masyado kapag hindi kami nasa work. Of course, kapag pahinga kami, we have our own personal lives as well.

“Pero for some reason, there’s a secret language. I don’t know… parang mga ganoon po. Tinginan lang, alam na namin. Script, basa, action, cut, good na.

“Kung comfort at comfort lang ang pag-uusapan, wala na pong problema. Na-surpass na namin,” sabi pa ni Alden.

Read more...