Iba talaga ang nagagawa ng pulitika sa buhay ng tao sa mga panahong ito.
Ang mga dating magka-kaibigan ay nag-aaway samantalang ang mga dating magkaka-away ay bigla na lamang bumubuo ng alyansa lahat ay dahil sa pulitika.
Pero iba ang kwento natin ngayong araw dahil ngayon pa lang ay tiyak na mahahati ang isang political clan sa Norte dahil sa pagtakbo sa iisang pwesto ng isang mag-byenan.
Ngayon pa lamang ay balitang-balita na sa kanilang kapitolyo ang pagbabalik ng isang sikat na political kingpin.
Target niya ang pwesto ng kanyang anak na nasa last term na bilang gobernador.
Ang problema yung anak hindi suportado ang sariling tatay dahil mas gusto niyang humalili sa kanyang pwesto ay ang kanyang misis.
No choice ang beteranong pulitiko kundi kumalas sa partidong kinaaaniban ng anak at lumipat siya sa grupo kung saan naman ay opisyal ang mga malalapit niyang kaibigan.
Pati ang kanilang mga lider sa mga bayan sa kanilang lalawigan ay nahahati sa kung sino ang kanilang susuportahan.
Sa mga susunod na linggo ay magsisimula na ang pagpupulong ng kani-kanilang partido.
Dito malalaman kung karamihan ba sa mga kasalukuyang local officials ay mananatiling sumusuporta sa nakaupong gobernador o lilipat na sila ng grupo.
Hindi na kailangan ng marami pang clue dahil sa totoo lang ay matagal ring naging gobernador ng kanilang lalawigan ang nagbabalik na politica kingpin.