Sa wakas, Jodi naka-graduate na sa college makalipas ang mahigit 1 dekada

SA wakas, natupad na ng Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria ang isa sa matagal na niyang pangarap — ang makapagtapos at makakuha ng college diploma.

Proud na proud na ibinandera ng celebrity working mom sa madlang pipol na naka-graduate na siya sa kolehiyo matapos ang ilang taong pagsusunog ng kilay.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ng aktres ang kanyang mga graduation photo kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pag-aaral at ang pagtitiyaga na kakambal nito.

Nagtapos si Jodi ng B.S. Psychology sa Southville International School and Colleges.

“Success comes to those who want it, and sometimes you have to ask yourself ‘how much do I want this?’

“I dreamt of finishing my schooling ever since I entered show business and today, after more than a decade, marks the fulfillment of that dream. After 4 long years, I am here graduating from college,” bahagi ng caption ng aktres sa kanyang IG post.

Patuloy pa niya, “In school, whenever I faced a seemingly insurmountable task, I’d always push myself and say, ‘It can be done.’

“I knew that God was with me all throughout my college life and I kept holding on to His promise that I can do all things through Him who gave me strength and supplied me with more than I needed according to His glorious riches in Christ Jesus. God is always faithful to his word,” dagdag pa niyang pahayag.

Sey pa ni Jodi, iniaalay din niya ang kanyang diploma sa lahat ng sumuporta at tumulong sa kanya para magtagumpay sa kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.

“My teachers, my family, my management team, and my friends. Thank you for letting me reach my stars. To God be all the glory, honor and praise.

“Remember, it is never too late, and you are never too old to reach your stars,” mensahe pa ni Jodi.

Bumaha naman ng pagbati sa aktres mula sa kanyang mga fans at kaibigan sa showbiz. Siyempre, hindi rin magpapahuli ang rumored boyfriend niyang si Raymart Santiago na isa sa mga unang bumati sa kanya.

“Congratulations,” comment ni Raymart sa IG post ng aktres with matching clapping hands at heart emojis pa.

“Congratulations Amor!!! We are all so proud of you!!!! We love you!!!” ang mensahe naman ni Iwa Moto, ang partner ngayon ng dating asawa ni Jodi na si Pampi Lacson.

Ang iba pang celebrities na nag-congratulate sa aktres ay sina Heart Evangelista, Gary Valenciano, Iza Calzado, Julia Montes, John Prats, Shaina Magdayao, Geneva Cruz, Sue Ramirez, Darren Espanto, Nikki Valdez, Dennis Laurel at marami pang iba.

Taong 2017 nang ibalita ni Jodi na ipagpapatuloy niya ang pag-aaral para tapusin ang kanyang kursong Bachelor of Science in Psychology. Balak din niyang kumuha ng Master’s degree kapag nabigyan uli ng pagkakataon.

Read more...