Sa segment nilang “SMS” o “Short Message sa Sikat” naatasan sina Iya, Camille at ang mga celebrity guests nilang sina Mike Tan ng “Nagbabagang Luha” at Zonia Mejia ng “Heartful Café” na magbigay ng maikling mensahe sa mga artistang maa-assign sa kanila.
Unang natanong si Zonia kung ano ang advice niya kay Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo matapos ma-bash ang dalaga sa naging performance nito sa Miss Universe pageant.
“Siguro basta alam mo kung sino ka at alam mo kung ano ‘yung personality mo, wala kang pake sa sasabihin ng ibang tao kasi mas kilala mo ‘yung sarili mo kaysa sa pagkakakilala sa’yo ng ibang tao.
“So, just be yourself and go on with your purpose kung ano man ang purpose mo na gawin sa life, and be happy,” sey ng aktres.
Si Rayver Cruz ang napunta kay Mike Tan na co-star niya sa “Nagbabagang Luha”, at natanong nga siya kung ano ang isasagot niya kapag humingi ito ng advice about marriage and family life.
“Sasabihin ko kay Rayver, mag-propose ka muna. Ha-hahaha! Kapag nag-yes, pakasalan mo ‘yun tsaka mo na isipin ‘yon. Mag-propose ka muna.
“Hindi, honestly mature na si Rayver para du’n sa next stage ng buhay niya, tapos sa relationship nila ni Janine. So, it’s really up to him na lang,” sabi ni Mike.
Nagbigay namah si Camille ng love advice sa vlogger na si Toni Fowler, “Kailangan ingatan din natin ang sarili natin. Let’s value ourselves ‘di ba? Kung ano ‘yung deserve natin, kung ano ‘yung dapat tinatanggap natin bilang tao o bilang babae.”
Bukod dito, natanong din siya kung ano ang sasabihin niya sa social media personality na si Niana Guerrero kapag humingi ito ng payo about career.
“Una, mars, the talent, you can definitely see it’s there, ‘di ba? Ang galing-galing ng batang ito. But that is siguro ‘wag rin sanang ever…don’t let it get to your head.
“All the amazing things that are happening to you, it’s amazing, it’s awesome, all eyes are on you, people are watching your every move.
“And I hope na sana hindi siya pumasok sa utak mo to a point na…you know, kasi minsan, mars, when it gets to your head, everything changes? Guard your heart, guard yourself, and know why you are doing it,” sey pa ni Camille.
At ang panghuli ngang natanong ay si Iya — ano ang maibibigay niyang advice kay John Lloyd Cruz para hindi na siya ma-burn out sa pagbabalik niya sa showbiz.
“Ginalingan mo kasi masyado, pars, eh. Ayan tuloy. Napagod ka kasi tinodo mo masyado, pars. Ha-hahaha! Hindi, but ano kasi, ‘di ba he is so good, so tuloy, he was wanted and needed. He was in demand.
“For everyone to not get burnt out in this industry, I think it’s really important that you learn to step back and give your family and yourself time.
“Oo, we also want our reset, even if it means going out for a walk or spending a night out with friends.’Yan ang aking magiging advice kay Pareng Lloydie.”