AMINADO si Jake Ejercito na childhood dream talaga niya ang masundan ang yapak ng kanyang mga magulang sa mundo ng showbiz.
At masasabi nga niya na kahit paano’y natupad na niya ito dahil nakagawa na siya ng ilang acting projects nitong mga nagdaang taon.
Ngunit mas naramdaman niya na talagang “belong na belong” na siya sa entertainment industry matapos pumirma ng exclusive contract sa Star Magic kasabay nga ng mga nakalinyang proyekto na gagawin niya sa ABS-CBN.
Aniya, ito na raw ang katuparan ng matagal na niyang pangarap at handa siyang gawin ang lahat para maging proud sa kanya ang mga magulang, lalo na ang tatay niyang si dating Pangulong Joseph Estrada.
Kahapon, humarap ang aktor sa members ng entertainment media at mga vloggers kasama ang iba pang showbiz royalties na pumirma na rin ng kontrata sa ginanap na Star Magic Black Pen Day nitong nagdaang weekend.
“I haven’t felt elated in a long while. I actually met Direk Lauren (Dyogi, ang head ng Star Magic) three days before the pandemic started. I had to wait until now just for this moment,” ang pahayag ni Jake nang tanungin kung ano ang feeling niya ngayong certified Star Magic talent na siya.
Talaga raw childhood dream niya ang mag-artista ngunit hindi siya agad nabigyan ng pagkakataon na matupad ito dahil mas inuna niya ang tapusin ang kanyang pag-aaral.
“Both my parents were in showbiz before, my father Joseph Estrada and my mother Laarni Enriquez. Growing up, considering both my parents are from showbiz, my older sister and I, it was sort of our childhood dream to follow their footsteps. We wanted to enter the industry as well,” pahayag pa ni Jake.
“I remember back in grade school, I was part of drama clubs and repertory and stuff like that. This is still something new to me. Exciting, because it’s been a childhood dream of mine,” chika pa ng aktor.
May isang advice raw ang parents niya na hinding-hindi niya malilimutan ngayong nasa showbiz na siya at sa tingin niya ay magagamit talaga niya ito ngayong may ginagawa na siyang teleserye sa ABS-CBN, ang “Marry Me, Marry You”.
“Actually marami silang advice sa akin. Apart from always being on time and doing the work, I guess what stands out is, sabi nila, to always make use of your eyes in front of the camera,” ani Jake.
Sa “Marry Me, Marry You,” siya ang magiging ka-love triangle nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino. Naka-isang cycle na raw sila ng lock-in taping and so far ay maganda naman daw ang naging experience niya.
Samantala, ipinagdiinan din ni Jake na talagang wala pa siyang balak pumasok sa politika lalo na ngayong nagsisimula pa lang ang career niya sa showbiz.
“Back then, I really wanted to follow in my dad’s footsteps when it came to being a public servant. Today, I’m a firm believer that you don’t have to hold public office to be able to help and serve people,” paliwanag niya.
Magpo-focus daw muna siya sa napili niyang career sa ngayon, “But I’m not saying that I won’t ever enter politics, but as of now, if you ask me I’ll tell you I don’t have any plans. Wala po talaga.”