HINDI itinanggi ng Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista na nagmistula rin siyang manyikang de susi at robot noong kabataan niya.
Aminado si Heart na naging sunud-sunuran din siya sa kagustuhan ng mga taong nakapaligid sa kanya, lalo na nu’ng nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.
Sa bago niyang Instagram Q&A session, sinagot muli ng aktres ang ilan sa mga katanungan ng kanyang followers at fans na may kaugnayan sa self-love.
Nagbigay din siya ng advice tungkol sa pagpapahalaga at tamang paghawak sa napiling career at kung paano pa mas made-develop ang kakayahan ng isang tao.
Isa sa mga naitanong sa Kapuso star, entrepreneur at content creator ay kung ano ang “biggest regret” niya sa pagiging bahagi ng entertainment world.
Diretsahang sagot ni Heart, “Allowed people to dictate how I should be.” Na ang tinutukoy nga ay ang mga ginawa niya noon na labag sa kagustuhan niya.
Pagpapatuloy pa ng misis ni Chiz Escudero, “As I celebrate the real me today, I am able to achieve more because I’m happy.
“Unlike before, I was just a robot but in a way I still don’t regret anything because after 23/24 years in showbiz all of that made me a better person,” diin pa ng aktres.
Isa pang tanong na nireplayan niya ay kung paano siya umiiwas o dumidistansya sa mga kanegahan ngayon pati na sa mga toxic na tao.
Ani Heart, “I don’t do distance. I delete them. If you’re a bee why argue with a fly that honey is better than shit?
“That’s just how that is. You can’t really change people and think they are just toxic sometimes it’s as simple as… we are just too different. Nice knowing ya, Ciao!” dugtong pa ng loyal Kapuso artist.
Samantala, very soon ay mapapanood na uli ang aktres sa bagong fashion at romcom series ng GMA 7, ang “I Left My Heart in Sorsogon”.
In fairness, sariling concept talaga ni Heart ang tema at kuwento ng nasabing TV series na kukunan pa sa ilang magagandang lugar sa Sorsogon kaya naman magsisilbi rin itong “travel show” para sa Kapuso viewers.
Makakasama rin ni Heart sa programa sina Richard Yap at Paolo Contis.
Huli pang napanood ang aktres sa seryeng “My Korean Jagiya” noong 2017 kung saan nakatambal niya ang South Korean actor na si Alexander Lee. Kinunan pa ang ilang mahahalagang eksena sa Kapuso teleserye sa Korea.