Bahagyang bumaba ang bilang ng mga Filipinong walang trabaho.
Ayon sa survey ng Social Weather Station, nasa 12.2 milyong Filipino ang walang trabaho noong May 2021 kumpara sa 12.7 milyong Filipino na walang trabaho noong November 2020.
Isinagawa ang survey noong April 28 hanggang May 2, 2021
Bagama’t bumaba na ang bilang ng mga walang trabaho, mas mataas pa rin ito 8.3 percent kumpara noong December 2019 noong wala pang pandemya sa COVID-19.
Nabatid na ang karamihan sa mga walang trabaho ay kusang umalis sa trabaho habang ang iba naman ay nawalan ng trabaho dahil sa mga nagsarang kompanya bunsod ng pandemya.
MOST READ
LATEST STORIES