SUNSHINE: Gagawin ko lahat para sa mga anak ko!

Aminado ang aktres na si Sunshine Cruz na malapit sa kanyang puso ang role niyang si Isabel sa action-drama series ng ABS-CBN na Dugong Buhay dahil katulad niya itong nagiging mas matapang dahil sa kanyang pamilya.

“Marami kaming pagkakatulad, lalo na sa pagiging isang ina,” ani Sunshine na gumaganap sa serye bilang ina nina Rafael (Arjo Atayde) at ng nawawalang De Lara na si Victor (Ejay Falcon).

“Tulad ni Isabel na ibinubuhos ang lahat para panatilihing buo ang pamilya De Lara, handa ko ring gawin ang kahit ano para ipaglaban ang tama at nararapat para sa pamilya at mga anak ko dahil sila ang buhay ko.”

“Sina Isabel at Sunshine ay parehong Diyos ang sandalan lalo sa mga panahon na kailangan mag-desisyon ng kung anong mas karapat-dapat na gawin para sa kanilang sarili at pamilya,” dagdag ni Sunshine.

Huwag palampasin ang mas maaaksyong mga tagpo sa Dugong Buhay, tuwing hapon, pagkatapos ng My Little Juan sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

( Photo credit to Google )

Read more...