Sunshine nagpasalamat sa dating asawa: Nadapa ako at nagkamali, pero naging mabuti siyang tatay | Bandera

Sunshine nagpasalamat sa dating asawa: Nadapa ako at nagkamali, pero naging mabuti siyang tatay

Ervin Santiago |June 15,2021
facebook
share this

Sunshine nagpasalamat sa dating asawa: Nadapa ako at nagkamali, pero naging mabuti siyang tatay

Ervin Santiago - June 15, 2021 - 03:22 PM

KAHIT naging maingay at kontrobersyal ang paghihiwalay nila bilang mag-asawa, naging maayos  pa rin ang relasyon ng estranged couple na sina Sunshine Dizon at Timothy Tan.

Sa katunayan, thankful pa rin ang bagong Kapamilya actress sa dating asawa dahil hindi nito pinababayaan ang dalawa nilang anak sa kabila ng pagkasira ng kanilang marriage.

Nagkuwento si Sunshine tungkol sa co-parenting set-up nila ni Timothy sa unang guesting niya sa nakaraang episode ng “Magandang Buhay” sa ABS-CBN.

“Siguro hindi na ako masyadong will go into details kasi open book naman. I’m sure alam na nila. 

“Pero ultimately, the decision was ano ang dapat at ano yung tama para sa mga bata. And we came to the agreement that co-parenting is the best for them,” simulang pahayag ni Sunshine.

“Kumbaga sa ano, nadapa at nagkamali, hindi ko naman matatawaran si Timothy bilang tatay. Kasi he’s very hands on. ‘Yun naman ang bawi niya talaga. And ito ay ever since maliliit pa lang talaga yung mga anak ko. 

“He really drives for my kids nu’ng pre-pandemic, siya naghahatid-sundo. Everything that my kids need, he’s always there,” sabi pa ni Shine na malapit nang mapanood sa upcoming Kapamilya series na “Marry You, Marry Me”.

“Actually he sees his kids naman. Meron naman din siyang bahay. Pero hindi na issue yung magkikita yung anak, wala nang ganu’n. Deadma na ‘yun. 

“Kasi basta for my kids, kumbaga ang akin is, gawin mo yung obligasyon mo sa mga bata at yung responsibilidad mo sa mga bata, hindi tayo mag-uusap. Okay na ako doon.

“At ginagawa niya ‘yun, without me saying anything na. Siya pa nga yung nagre-remind sa akin, eh. Kasi siyempre katulad nito nag-lock in ka, two weeks straight. Yung next ko na cycle, I think it’s going to be a month.

“I’m just very glad that Tim is there for the kids because I will not be able to do my part kung wala rin siya in the picture,” pahayag pa ng aktres.

Naging emosyonal naman si Sunshine nang makatanggap ng letter mula sa kanyang mga anak na sina Doreen at Anton.

“Alam mo, I’m just very blessed na no matter what we’ve been through as a family, maayos po yung mga anak ko. ‘Yun lang.

“Ang realization ko in life, ‘di ba parang kapag may nagawang hindi tama yung bata, ang reflection nasa magulang? ‘Di ba parating ganu’n? 

“So ako natutuwa lang ako and I’m very glad na sometimes people come to me and say, ‘Uy, alam mo yung mga anak mo very mature, maayos.’ Ganu’n. Parang, ‘Lord, thank You. I’m doing something right.’ 

“Kasi ‘di ba, wala naman talagang manual for being a parent? Wala, eh. You just go with how you feel and what you think is best for them, pero may mga factors na hindi natin, wala tayong magagawa. 

“Pero yung mapalaki mo sila nang maayos, happy na ako doon. Basta alam ko lang na mabuting tao yung mga anak ko, Lord, thank You na ako doon,” diin ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, makakasama rin ni Shine sa “Marry You, Marry Me” sina Janine Gutierrez, Paulo Avelino, Jake Ejercito, Cherry Pie Picache, Vina Morales at Edu Manzano.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending