MARK, ALJUR nagkakapikunan na raw sa Sunday All Stars ng GMA


Hindi nagkakaasaran sa personal sina Aljur Abrenica at Mark Herras. May sagutan sa Twitter sina Mark and Aljur because of their respective teams sa Sunday All Stars.

Nag-tweet si Mark ng, “You’re all going down” meaning yung tatlong teams not including his of course. General ito but Aljur took the cudgel for his team kaya siya ang sumagot na manalo raw sana muna ang team nina Mark bago magsalita ng ganito dahil always a winner ang group ni Aljur and kung ilang beses na rin siyang naging Best Performer.

Pero ayon kay Aljur, walang personalan sa tweet exchange nila ni Mark. Sa pictorial ng reunion soap nina Aljur and Kris Bernal na Prinsesa Ng Buhay Ko na papalit sa early primetime slot ng Binoy Henyo three weeks from now, inamin ni Aljur na nagkakasagutan nga sila ni Mark sa Twitter and even Instagram but that’s all for the show lang nila and they are not taking it personally.

Nag-uusap pa nga ang dalawa before and after the show at nagba-bonding sila dahil among the closest na kinu-consider ni Starstruck IV male winner ang Starstruck I male winner.

Para sa kanila, biruan lang ito kaya hindi nga sila nagkakapikunan.Kung sa tingin daw ng fans nila ay nagkakasagutan sila, it’s only because they are both proud of their Sunday All Stars group so kapag may nababasa siya about his team, natural lang na ipagtanggol niya ito.

This Sunday kung hindi kami nagkakamali, magbabago-bago muli ng team and even members. We are told that both Mark and Aljur will just be members of their teams dahil nag-leader na sila but definitely hindi sila magkakasama ever sa isang team dahil pareho silang pambato ng mga teams.

( Photo credit to Google )

Read more...