HINDI naging madali para kay Beauty Gonzalez ang magdesisyon na tanggapin ang napakagandang offer sa kanya ng GMA 7.
Talagang pinag-isipan niyang mabuti ang paglipat sa Kapuso Network, at sa katunayan ilang araw din siyang hindi nakatulog habang binabalanse ang sitwasyon.
Nitong nagdaang Biyernes ng gabi, nakausap namin si Beauty sa digital mediacon ng GMA para sa formal announcement ng kanyang pagiging Kapuso matapos nga ang pagpirma niya ng exclusive contract.
“Finally, puwede ko nang sabihin na Kapuso na ako ngayon. Dati, nag-guest ako, nangapit-bahay lang naman ako, di ba, love thy neighbor?” ani Beauty na unang napanood sa GMA bilang celebrity player sa anniversary episode ng “Celebrity Bluff” noong June, 2018.
Aniya pa, “Happy ako na that they love me, so thank you much for giving me this chance to work with them, and I’m so happy. At the same time, I’m nervous also, kasi new surroundings, new group of people, but change is good.
“With all the changes na nangyayari sa buhay natin ngayon, sa mundo natin ngayon, at pati na rin sa showbiz, nakikita naman na ang daming artista na nakikipag-collaborate sa ibang istasyon.
“Pati na rin yung mga workers, nakikipag-collaborate sila. Thankful ako dahil ang dami naman nating naririnig na magandang balita sa GMA. Ang dami nilang magandang shows, ang dami nilang magandang…how they treat their people also.
now that they will take good care of me, and I’m so excited na they’re willing to collaborate with me,” pahayag pa ng dating Kapamilya na sandali ring naging Kapatid nang gumawa ng isang serye sa TV5.
Unang napanood si Beauty sa reality show ng ABS-CBN na “Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus” noong 2008 at mula nga noong lumabas siya sa Bahay ni Kuya ay nagtuluy-tuluy na ang career niya sa showbiz. Sa loob ng mahabang panahon ay nanatili siyang Kapamilya.
Tinanong namin siya kung nahirapan ba siyang magdesisyong lumipat sa GMA, “Naging mahirap sa akin. Ayokong maging plastic na sabihin sa inyo na napakadali para sa akin. It is hard and I had sleepless nights, thinking about it really hard.
“But with all the changes that’s happening right now, lahat naman ng mga nangyayari ngayon, ang dami nang changes.
“So, I realize na it’s time for a change and I need this change. I’m so lucky that they gave me this opportunity.
“And I’m just so happy to be here because it came at the right time, it was meant to be. And just like what I said, they will expect a newer and improved version of me,” pahayag pa ni Beauty.
Sa tanong namin kung ano mensahe niya sa mga nangnenega at namba-bash sa paglipat niya sa GMA, “I love you all. Thank you and come watch me on GMA.”
Samantala, para sa una niyang project bilang Kapuso, bibida si Beauty sa isang mini-series na may titulong “Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette.”
Ito’y sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr. at kasalukuyang nasa casting stage pa lang kaya hindi pa kinumpirma ni Beauty kung sinu-sino ang makakasama niya.
“Excited na ko for our new project. It’s gonna be with a young man. For a change, mga past characters and love teams are usually older than me.
“I’m excited to play with this new character sa ‘Loving Miss Bridgette.’ I love the script. I love ‘yung flow ng story. It’s gonna be a new change and change is good,” sabi pa niya.