Roxanne ayaw pang magkuwento tungkol sa panganganak: For now, I will focus on recovering & healing

HINDI man diretsahang binanggit ni Roxanne Barcelo ngunit mukhang naging matindi rin ang hirap at sakripisyo na pinagdaanan niya mula sa kanyang pagbubuntis hanggang sa manganak.

Reading between the lines, mararamdaman sa mensaheng ipinost niya sa social media na hindi talaga naging madali ang kanyang “birthing journey”.

Ayon sa singer-actress, hindi na muna niya ibabahagi sa publiko ang mga na-experience niya sa panganganak at magpo-focus muna sa pagpapagaling at pagpapalakas para sa kanyang baby at asawa.

Sa Instagram Stories, muling nag-post si Roxanne ng litrato kung saan karga-karga niya ang bagong silang na anak at dito nga niya sinabi na dalawang linggo na silang mag-ina sa ospital.

“Our mornings in the hospital room look like this. It’s been a very ‘unique’ 2 weeks of my life. Sorry if I can’t think of the right adjective at 6:30 in the morning. 

“Maybe one day soon, I can muster the courage to tell you about my birthing journey. But for now, I will focus on recovering and healing for my family. 

“Blessed to now go through life with my husband and best friend. I say he needs a vacation, but he says he just wants to be with me and the baby,” ani Roxanne sa caption.

Dagdag pa niya, “I waited all my life to be a wife and mother and now I am fully humbled by this truth: As they all say, it’s not easy, BUT it is all worth it.”

Last Sunday, sa pamamagitan din ng IG, ibinalita ng aktres na isinilang na niya ang panganay na anak nila ng kanyang non-showbiz husband.

Ipinost niya ang litrato nila ng baby na may caption na, “Here’s to the rest of our life.” 

Wala nang ibang detalyeng ibinigay ang aktres tungkol sa kanyang panganganak.

Nito lang nakaraang April ibinalita ni Roxanne na nagdadalang-tao siya sa kanyang first baby sa pamamagitan ng kanyang YouTube vlog. 

Inisa-isa pa niya rito ang ginagawa niyang paghahanda para masigurong healthy niyang maipapanganak ang sanggol. Bukod dito, ibinahagi rin niya sa kanyang followers ang mga natutunang pregnancy exercises.

Sa isang panayam, nabanggit ng aktres ang apat na salita na maaaring maglarawan sa kanyang pagbubuntis at bilang future mommy.

“I named each look and vibe expressing the different phases of my pregnancy, specifically: awakened, gratitude, alignment, and manifestation.

“Collectively, I called it the Path to Selfhood, and it really visualizes the sounds of my mood and this new season of my life,” aniya pa.

Last December, ginulat ni Roxanne ang madlang pipol sa balitang ikinasal na siya ngunit hindi niya binanggit ang pangalan ng kanyang asawa. Hindi rin niya ipinakita sa publiko ang itsura nito.

“He said he wants to start a family with me. It was such a beautiful moment because he asked twice. 

“He actually asked me a few months after quarantine pero dahil naka-lockdown pa nun, all we knew was that we were going to get married before the year ends.

“Totoo pala yung when you know, you know. I knew from the start na siya yung para sa akin. I am taken! He is worth the wait,” ang lahad pa ni Roxanne sa isa pa niyang vlog.

Read more...