Kiko nagsalita na sa pangarap ni Sharon na manirahan sa America

Mula sa Instagram ni Sharon Cuneta

Love conquers all!

Ito ang deklarasyon ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa tanong kaugnay sa pangarap ng asawang si Sharon Cuneta na manirahan na sa Los Angeles sa America.

“Meeting halfway is always possible for those who truly want to make things work,” ang sagot ni Kiko sa tanong ng beteranang showbiz writer na si Dolly Anne Carvajal sa kanyang column na Dollywood.

“After 25 years of marriage I know and believe that love conquers all,” wika pa ng senador.

Ayon kay Sharon,  nagugustuhan na niyang manirahan sa Amerika, pati na rin ang bunso nilang si Miguel. Samantala, sina Miel at Frankie naman ay plano lamang na mag-aral sa US at pagkatapos ay bumalik sa Pilipinas dahil mana sila sa kanilang tatay sa pagiging makabayan.

Minabuti ng Megastar na manatili sa LA matapos na mabigong mapabilang sa all Filipino-cast ng ginagawang pelikula ng kilalang American director na si Steven Spielberg matapos na mag “false positive” ang kanyang Covid-19 test. Pagbibidahan ang pelikula ng Filipino-American comedian na si Jo Koy.

Sinabi ni Kiko na nalungkot ang buong pamilya sa nawalang oportunidad na ito na sana ay kauna-unahang Hollywood project ni Sharon.

“The entire family was deeply saddened by her missing out on the Spielberg project, but we all know God has His plan for her,” wika pa ni Kiko sa panayam ni Dolly Anne.

 

Read more...